Galit at pagkadismaya ang naramdaman ng Australian boxer na si Nedal Hussein hingil sa rebelasyon ng former boxing referee na si Carlos Padilla.
Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang pag-amin ni Padilla sa di umano’y “pandaraya” na ginawa niya sa laban noon ni Hussein at Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao kung saan siya ang referee.
Ayon sa pag-amin ni Padilla, tinulungan niya si Pacquiao upang matalo ang kalaban nitong si Hussein sa boxing match nila noon sa Antipolo City taong 2000 upang makarating ang Pinoy boxer sa World Boxing Championship.
Aniya, nanaig daw ang pagka-Pilipino niya noong mga sandaling iyon kaya naman pinatagal niya ang countdown nang mapabagsak ni Hussein si Pacquio sa ika-apat na round ng kanilang laban.
Kalaunan ay nanalo si Pacquio sa pamamagitan ng TKO o “Technical Knock Out.”
Agad namang nakarating sa Australian boxer ang kontrobersyal na pahayag ni Padilla at agad din siyang naglabas ng sama ng loob laban dito.
Sa panayam ni Hussein sa CNN Philippines' Sports Desk noong December 1, 2022, hindi siya makapaniwala sa nagawa ni Padilla na tinawag ding niyang “criminal.”
Saad niya, “Carlos Padilla is nothing more than a criminal.
“That's what he is. He did a criminal act. He violated and manipulated the rules.
“He should be accountable for what he did.”
Dagdag pa niya, “Take him out of the Hall of Fame.”
Nilinaw din ni Hussein na wala siyang galit kay Pacquio dahil parehas lang silang biktima ng umano’y anomalya ni Padilla.
Dapat daw panagutin ang totoong may sala at pagpaliwanagin ang World Boxing Council (WBC).
Saad niya, "The WBC should be held accountable for the fix they put on that night.
“I have nothing against Manny Pacquiao. I'm a big fan of Manny. I think he's done amazing for the sport.
"I'm not claiming that I'm the winner, that I want the decision to be reversed.
“Manny is a victim in this as well. All I want is for the referees and judges to be held accountable for what they do.
“If you lose fair and square, you can live with it and move on. But when there's cheating and corruption involved, it's a hard pill to swallow.”
PACQUIAO'S REACTION
Nauna nang iginiit ni Pacquio na hindi siya ang nandaya sa laban nila noon ni Hussein.
Para sa dating senador, hindi na niya kasalanan kung sa kanya pumabor ang referee.
Aniya, “Hindi man daya. Pinaboran lang tayo, pabor lang siguro, siyempre home court. As a boxer, ginawa ko lang naman yung tama.
"Ako naman, boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring.
"That's his problem, not mine," pagtukoy pa niya sa inamin ni Padilla na "pandaraya."
Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang WBC at si Padilla sa mga binitawang salaysay nina Hussein at Pacquiao.
