Pagkatapos ng labinlimang (15) taon, muling nagkatrabaho sina Rochelle Pangilinan at Coco Martin.
Magkasama sina Coco at Rochelle sa upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry na Labyu With An Accent, kung saan bida sina Coco at Jodi Sta. Maria.
Naging magkapareha sina Rochelle at Coco sa Kapuso teleseryeng Daisy Siete: Isla Chikita noong 2007.
Wala pang pangalan noon si Coco at kilala pa bilang Rodel Nacianceno, habang si Rochelle ay kilalang leader ng SexBomb Girl Dancers at tumawid sa pag-arte.
Read: Coco Martin appeared in this GMA-7 show before becoming ABS-CBN star
Ngayon ay kilala na si Coco ngayong bilang A-list star.
Personal na pinili ni Coco si Rochelle para makasama sa kanyang MMFF movie, sa kabila na nananatiling Kapuso artist ang dancer-turned-actress.
REUNION PROJECT WITH COCO
Hindi raw nagdalawang-isip si Rochelle na tanggapin ang proyekto nang abisuhan siya ng manager niyang si Perry Lansigan na may upcoming project kasama si Coco.
Lahad niya, “Kasi from Daisy Siete, nakatrabaho ko si Coco. Gusto kong makita kung ano siya ngayon, kung kamusta na siya.
“Kasi minsan kami nagkita, hindi naman kami ganoon nagkakuwentuhan.
“Pero ngayon nakita ko na, 'Oh my gosh, si Coco never nagbago.'
“Bukod sa panglabas niyang anyo na hindi tumatanda, talagang napaka-down to earth na tao.
“Lahat, kung ano siya noon… yumaman lang, pero yun pa rin siya ngayon.”

Arthur Solinap, Sunshine Garcia, Coco Martin, and Rochelle Pangilinan (not in photo) worked together in Daisy Siete in 2007.
Nakita raw ni Rochelle kung bakit sumikat si Coco sa showbiz.
“Dito nakita ko yung paano siya magtrabaho kaya siya si Coco Martin.
“Grabe yung pulso niya, as in lahat nakikita niya,” sabi ni Rochelle sa press conference ng Labyu With An Accent na ginanap sa ABS-CBN Compound noong November 2022.
Napahanga raw si Rochelle sa galing ni Coco bilang bida at direktor sa pelikula.
Ani Rochelle, habang umaarte si Coco at kabisado ang mga linya, hindi pa rin nakakaligtas sa mga mata nito ang mga nangyayari sa paligid bilang direktor. napapansin pa rin nito ang mga technical
“So, lahat napapansin niya. Pagkatapos niyang umakting, uupo siya sa harap ng monitor magdidirek naman siya.
“And then, hindi siya tumitigil.
“Gusto ko na nga itanong, ‘Kelan ka magpapahinga?' Kasi talagang grabe po siya magtrabaho, talagang kaya ngayon siya si Coco Martin. Nakita ko talaga.
“And pagbalik ko sa network ko, sabi ko na lang sa asawa ko [Arthur Solinap] pag-uwi ko, ‘Grabe, beh, si Coco. Kung ano si Coco dati, yun pa rin siya ngayon, pero ang dami lang niya responsibilidad ngayon.'”
SETTING FOOT ON ABS-CBN again
Wala namang pagsidlan ng tuwa si Rochelle na makatapak muli sa ABS-CBN.
"Sa totoo lang po talaga kinukuwento ko nga kanina kay Jodi, mula pagpasok ko from parking to building ng ABS-CBN, kinikilig talaga ako.
“Hanggang sa nag-aayos ako, hanggang sa Itinuturo na sa akin Jodi lahat, ‘Eto may chapel kami dito,’ ganyan, ‘Ha?’ tinu-tour niya ako.
“Ang saya-saya ko talaga na, sIyempre, grateful po ako talaga na pinayagan ako ng GMA na makatawid.”
