Kinakiligan ng KathNiel fans ang simple pero sweet gesture ni Daniel Padilla na ihatid si Kathryn Bernardo sa airport.
Kahapon, December 8, 2022, nag-post ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo ng video pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport.
Makikitang inalalayan ni Daniel si Kathryn pagbaba ng van ng dalaga.
Magka-holding-hands pang naglakad ang couple papalapit sa kinapupuwestuhan ni Mommy Min.
Sabi ni Daniel kay Mommy Min, "Sama na ako!"
Sang-ayon ni Kathryn, "Sama na siya!"
Sabay natatawang tukoy ni Daniel sa suot niya, "Nakatsinelas lang ako!"
Pagba-bye naman ni Daniel kay Mommy Min, "Ingat, Tita Min!"

Nagsabi rin si Daniel kay Mommy Min na maggo-golf siya kasama ni Zanjoe Marudo at ibang kaibigan sa araw na iyon.
Hinintay pa muna ni Daniel na maayos nina Kathryn at Mommy Min ang kanilang mga bagahe bago ito nagpaalam.

Kumaway si Daniel habang siya ay palayo; at sigaw naman ni Kathryn, "Bye, Lover!"
Nagpunta sa Thailand si Kathryn para sa isang work engagement.

Nagdiwang sina Daniel at Kathryn ng kanilang 10th anniversary bilang boyfriend at girlfriend noong May 25, 2022.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2022, ibinahagi ng couple na ang sikreto sa kanilang enduring relationship ay ang pagtanggap nila sa kung sino sila bilang indibidwal.
Hindi raw perpekto ang kanilang relasyon, at may mga pagkakataong nag-aaway sila. Pero mas nanaig ang komunikasyon at desisyon nilang "pinipili namin ang isa't isa all the time."
- Daniel Padilla on girlfriend Kathryn Bernardo: "Pinipili namin ang isa't isa all the time."
- Daniel Padilla on Kathryn Bernardo: "Nag-aaway din kami."
- Daniel Padilla on maintaining "magic" of his love team with Kathryn Bernardo: "Iba na yung ibig sabihin ng kilig."
- Kathryn Bernardo on 10th anniversary with boyfriend Daniel Padilla: “True love exists.”
