PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loisa Andalio, Ronnie Alonte on basag-kotse gang experience

Loisa Andalio: "Nakita namin yung phone namin ni Ronnie nasa..."
by Rachelle Siazon
Published Dec 9, 2022
Loisa Andalio Ronnie Alonte Basag-Kotse Gang
On PEP Live, Loisa Andalio and Ronnie Alonte recount how they stopped by their coffee shop in Cavite for just an hour when they found their SUV smashed by the culprits behind basag-kotse modus.
PHOTO/S: @iamandalioloisa Instagram / Bacoor City Police

Aminadong nakaramdam ng takot ang magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos nilang mabiktima ng Basag-Kotse Gang.

Nangyari ang insidente sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor, Cavite, noong November 30, 2022, ayon sa Bacoor City Police.

Natangay ng mga magnanakaw ang dalawang iPhone 11 at isang iPhone 13 matapos basagin ang right rear passenger window ng kanilang Jeep Wrangler Wagon.

Read: Ronnie Alonte, Loisa Andalio fall victims to Basag-Kotse Gang in Cavite; lost 3 iPhones

Kinumpirma ito ng magkasintahan sa PEP Live kagabi, December 8, 2022. Sila ay co-stars sa 2022 Metro Manila Film Festival entry na My Teacher.

Sina Loisa at Ronnie ay reel-and-real-life sweethearts na kilala rin sa uniname na LoiNie.

"Simula nung nangyari yun hanggang ngayon medyo nakakalambot pa rin," pag-amin ni Ronnie.

Sang-ayon ni Loisa, "Nakakatakot."

Kuwento pa ni Ronnie, mabilis na kumilos ang nambasag sa kotse nila.

Naroon sila sa lugar kunsaan mayroon silang kabubukas na coffee shop, ang Farron Cafe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Loisa Andalio, Ronnie Alonte invest joint savings in cafe business

Ani Ronnie, "As in saglit lang. Dadaan lang kami para mag-pic ng produkto para may pam-post sa social media.

"Dumating kami ng 8 p.m., bumaba kami ng 9 p.m., as in sakto po talaga."

Dugtong ni Loisa, "Basag na yung [salamin ng] sasakyan."

Natunton pa ng magkasintahan kung saan dinala ang tatlong ninakaw na cellphone sa pamamagitan ng Find My iPhone location tracker.

"Totoo. Nakita namin yung phone namin ni Ronnie nasa Alabang na. Sa Festival Mall, yung bilihan ng cellphone, nandun na," kuwento ni Loisa.

Agad nilang ini-report ang insidente sa Bacoor City Police, base na rin sa lumabas na ulat noon.

Pero hindi pa rin nakuntento ang Basag-Kotse Gang na iyon.

"Kagaya nung nabalitaan namin kinabukasan, may nambasag kotse na naman. Same ng nambasag [sa SUV namin], pero sa ibang lugar naman. Sila ulit. Sana mahuli na sila," giit ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana raw ay mahuli na ang mga salarin.

Ani Loisa, "Para wala na silang mabiktima. Kasi nakakaawa sa iba. Grabe. Kasi iba rin yung trauma na mabibigay nila. Nakakatakot."

Sa huli, siniguro ni Ronnie na nasa mabuting kalagayan sila ni Loisa.

Aniya, "Pero naka-move on na rin kami kahit papano. Ang importante naman is yung bagay naman napapalitan.

"Yung nabasag na salamin, yung tatlong cellphone, napapalitan iyan. Ang importante ligtas kami. Walang nasaktan sa amin. Yun na lang inisip namin."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On PEP Live, Loisa Andalio and Ronnie Alonte recount how they stopped by their coffee shop in Cavite for just an hour when they found their SUV smashed by the culprits behind basag-kotse modus.
PHOTO/S: @iamandalioloisa Instagram / Bacoor City Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results