Labing-isang (11) taon nang kasal si Rachel Alejandro, 48, sa Spanish journalist na si Carlos Santamaria, 41.
Pero sa kabila nito, wala pa rin silang anak.
Ayon sa singer-actress, salungat ang paniniwala nilang mag-asawa pagdating sa pagkakaroon ng anak, pero pagkakataon na rin ang dahilan para hindi sila mabigyan ng supling.
“It wasn’t a conscious decision to not to have kids on my part,” paliwanag ng OPM singer sa interview ng Star Magic Inside News nitong December 9, 2022.
“I think it was more na I prioritized so much yung work, kaya nga kanina I mentioned na nung pandemic I felt lost because wala akong anak, e.
“Parang yung buong buhay ko dinevote ko talaga sa trabaho.
“So, parang one day, I just woke up during the pandemic na, ‘Anong ginawa ko sa sarili ko?’
“Na parang ganoon, yung parang, ‘Did I make the right choices?’
“So that’s something a woman has to deal with, kasi siyempre, we get to an age hindi na rin talaga ganoon ka-viable [magkaanak], di ba?
“It’s not impossible. Obviously there are [scientific ways] there are things you can do, di ba? And some people even choose to adopt.”
Pabor daw ito para sa kanyang mister na ayaw naman talagang magkaanak.
Sabi ni Rachel, “Pero yung husband ko yung hindi talaga. Ayaw talaga niya ng kids.
“So, yeah, thankfully hindi naman kami itinatakwil ng mga magulang namin. Hindi kami nagbigay ng apo.”
Hindi raw nagawang mabuntis ni Rachel dahil “yung priority talaga naging yung work, in my case.”
Sabi pa ng singer patungkol sa asawa, “Siya naman, ang goal niya sa buhay, gusto niyang to retire early.
“And kung may anak ka, hindi ka puwedeng mag-retire nang maaga, kailangan kang kumayod.
“Baliktad na baliktad kami. Ako kasi, workaholic.”

ON LONG-DISTANCE RELATIONSHIP WITH HUSBAND
Sabi pa ni Rachel, naging isyu noong una sa kanilang mag-asawa ang long-distance relationship o LDR.
Abala kasi si Rachel sa kanyang out-of-the-country shows.
“Nung una, inu-ultimatum ako nung asawa ko, na parang, ‘Ano ba yan, parang you’re always away.’
“Nung una, hindi talaga niya ano, it was a source of conflict for us.
“Pero later on, kasi ngayon we’re going on for 11 years, so I think medyo nahimasmasan na siya.”
Kalaunan ay natanggap na raw ng kanyang mister na constant ang pagiging LDR nila.
Ani Rachel, “Parang na-realize na niya na, ‘Ito na yun, e. This is it. We just have to deal with it.’
“Mahirap talaga, but I think adjustment really came from his side, kasi siya talaga yung nahirapan at first.
“Talagang 'this is not what I signed up for,' parang may ganun siya.”
