PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

US Treasury sanctions Apollo Quiboloy over human rights abuse

Quiboloy's layers not worried about US Treasury's sanctions.
by Jojo Gabinete
Published Dec 12, 2022
apollo quiboloy us treasury
US Treasury: "Quiboloy is sanctioned under the Global Magnitsky Act for human rights violations. Among other effects, all property and interests in property for Quiboloy in the US are blocked, and US persons and entities are blocked from engaging in transactions with Quiboloy."
PHOTO/S: SMNI YouTube

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) ng Pilipinas tungkol sa parusang ipinataw ng US Treasury Department kay Pastor Apollo Quiboloy.

Pinatawan ng sanctions si Quiboloy dahil sa seryosong paglabag umano niyo sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng "pattern of systemic and pervasive" na panghahalay sa mga batang babae at pisikal na pang-aabuso sa mga miyembro ng kanilang simbahan.

Si Quiboloy ang nagtatag at pinuno ng religious group na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.

Read: Apollo Quiboloy, 2 others now wanted by FBI

Sinabi ng DOJ na bago sila magbigay ng pahayag, hihingin muna nila ang payo ng mga legal expert sa US. at maghahanap ng kumpirmadong impormasyon tungkol sa parusa laban kay Quiboloy, base sa Global Magnitsky Act of 2016.

Ang Global Magnitsky Act of 2016 ang batas na nagpapahintulot sa pamahalaan ng US na parusahan ang mga dayuhang opisyal ng pamahalaan sa buong mundo na itinuturing na nagkasala at lumabag sa mga karapatang pantao, i-freeze ang kanilang mga ari-arian, at pagbawalan silang makapasok sa teritoryo ng Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinapubliko ng US government ang parusa nila kay Quiboloy sa araw ng paggunita sa International Anti Corruption at Human Rights Day noong Sabado, December 10, 2022.

Kasama si Quiboloy sa Most Wanted List na kinabibilangan ng apatnapung (40) tao mula sa siyam na bansa na sangkot sa mga katiwalian at human rights violation.

"Quiboloy is sanctioned under the Global Magnitsky Act for human rights violations. Among other effects, all property and interests in property for Quiboloy in the US are blocked, and US persons and entities are blocked from engaging in transactions with Quiboloy," nakasaad sa press release na inilabas ng US Embassy sa Pilipinas.

Sex trafficking sa pamamagitan ng puwersa, pandaraya, pamimilit, at sex trafficking ng mga bata ang mga paratang laban kay Quiboloy.

Sinampahan siya ng kaso noong Nobyembre 2021 kaya nasa listahan siya ng mga tinutugis ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng USA.

Mabigat ang mga akusasyon laban kay Quiboloy, tulad ng pagkuha sa serbisyo ng mga biktima para maglingkod bilang mga personal assistant o pastoral na pinipilit at inuutusan niyang makipagtalik sa kanya kapag “night duty.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag na pahayag ng US Treasury Department: "Quiboloy kept pastorals in various countries, including the Philippines and the United States.

"Quiboloy exploited his role within the KOJC to rape his victims and subject them to other physical abuse, describing these acts as sacrifices required by the Bible and by God for the victims’ salvation."

Hindi pa sumasagot si Quiboloy tungkol sa malaking problema na kinakaharap niya.

Pero ikinagulat ng kanyang mga abogado ang paglabas ng US Treasury ng pahayag patungkol sa mga kinasasangkutan nitong kaso.

Sa isang press conference, sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Michael Jay Green na nahusgahan na ang kanilang kliyente bago pa man magkaroon ng paglilitis sa mga kinakaharap nitong kaso.

Ayon naman sa isa pang abogado ni Quiboloy na si Manny Medrano, ito ay mga alegasyon lamang at patutunayan nilang hindi ito totoo.

Sa huli, sinabi ng mga abogado ni Quiboloy na hindi sila nababahala sa magiging epekto ng sanctions na ipapataw ng US Treasury. Hindi umano maaaring kumpiskahin ng mga awtoridad sa Amerika ang mga ari-arian nang walang civil case o seizure warrant o forfeiture proceedings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Quiboloy ay malapit na kaibigan at spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong May 2022 elections ay sinuportahan niya ang kandidatura nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte, na kapwa nanalo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
US Treasury: "Quiboloy is sanctioned under the Global Magnitsky Act for human rights violations. Among other effects, all property and interests in property for Quiboloy in the US are blocked, and US persons and entities are blocked from engaging in transactions with Quiboloy."
PHOTO/S: SMNI YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results