Maagang natapos ang Miss International 2022 journey ni Hannah Arnold.
Nakapasok si Hannah sa Top 15 ngunit nalaglag siya sa Top 8.
Ang iba pang mga nakapasok sa Top 15 ay ang mga kandidata mula sa France, Finland, New Zealand, Germany, Cabo Verde, Peru, Jamaica, Colombia, Costa Rica, Canada, Dominican Republic, Spain, Northern Marianas, at United Kingdom.
Si Hannah ang nag-iisang Asian na nakapasok sa Top 15.
Read: Hannah Arnold's National Costume for Miss International 2022 inspired by Barbie doll, tambourine
Pagkatapos i-announce ng Top 15 ay agad ding inanunsiyon ang mga nakapasok sa Top 8.
Ang mga pasok sa Top 8 at magpapatuloy sa kumpetisyon ay Dominican Republic, Cabo Verde, Germany, Jamaica, Colombia, Spain, Canada, at Peru.
Kasalukuyang ginaganap ang Miss International 2022 sa Tokyo Dome City Hall sa Tokyo, Japan.
