Ikinabahala ng netizens ang isang tweet ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, 58, tungkol sa kanyang kalusugan.
Kagabi, December 14, 2022, nagbahagi ang ASAP Natin ‘To mainstay ng pakiusap niya sa Diyos sa pamamagitan ng Twitter.
Ayon kay Gary, sana raw ay patnubayan siya ng Panginoon ng milagroso Nitong kamay upang malampasan niya ang gabi at ang mga sumunod pang gabi sa kanyang buhay.
Umaasa rin ang seasoned singer patuloy pa rin niyang manamnam ang diwa ng Pasko sa gitna ng mga pagsubok na kanyang hinaharap.
Ani Gary, “Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come.
“Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all@these challenges. Kindly help in keeping me healthy at all times Lord.
“In Your name Jesus I pray, Amen.”
Nagpaabot naman ng dasal ang maraming netizens sa singer.
UPDATE: Dahil tila marami ang nag-alala sa kanyang tweet, nilinaw ni Gary sa kanyang tweet ngayong Huwebes, December 15, na kailangan lamang niyang magpahinga.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nag-panic at nag-alala.
Mensahe ng singer: "Hi everyone. Looks like my last tweet caused many to panic. My apologies. Thanks for your genuine concernI’m on my way to getting much better friends. We all hit moments when our bodies just need to rest and i know that’s what I need. I love you all. Thanks again. I’m OK."
HEALTH CONCERNS
Si Gary ay patuloy na lumalaban sa sakit niyang Type 1 diabetes mula pa noong siya ay 14 taong gulang pa lamang.
Sa isang webinar nitong September 14, 2022, nagkuwento si Gary kung paano ba niya kinalakihan na lang ang kanyang sakit at kung paano niya ito mina-manage.
Read: Gary Valenciano gets real about battle with diabetes
Sabi niya, "I was diagnosed with it. I was fourteen years old. My sugar level hit 700-something plus. At least during my time, from what I know, the normal level goes from 80 to 120.
"I don’t know if that has changed because a lot has changed. But when I’m within that level, I’m fine."
Read also: Gary Valenciano talks about his battle with diabetes in "I Survived"
Noong May 6, 2018 naman ay sumailalim si Gary sa open heart surgery.
Read: Gary Valenciano undergoes successful heart surgery
Bagamat naging matagumpay ang operasyon sa singer, natuklasan naman ng mga doktor ni Gary na mayroon siyang cancer sa kidney.
Read: Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer
Pagsisiwalat ni Gary sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez para sa Rated K noong July 2018: “Mayroon pang ibang nangyari, mayroon pa silang ibang nadiskubre. Pagkasabi sa akin ng doktor ay 'Mayroon kang cancer of the kidney.'”
Upang maagapan ito ay inoperahan muli si Gary, kung saan "thirty percent" ng kanyang kidney ang tinanggal.
At sa tulong Panginoon ay naging cancer-free na siya.
Read: Gary Valenciano on overcoming kidney cancer, heart condition: "Parang nasa kamay ako ni Lord."
