PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2 personalidad, may scam dati sa mga Christmas party

Premyo sa raffle, ibinebenta sa gustong magwagi
by KC Cordero
Published Dec 18, 2022
Silhouette
Para sure winner sa raffle sa Christmas party, for a fee ay tinitiyak ng dalawang personalidad sa kanilang ka-deal na sila ang magwawagi ng major prize.

Sa mga nakalipas na panahon ay dalawang personalidad na may konek sa showbiz ang namayagpag sa kanilang scam kapag may Christmas party.

Minsan kasi ay nakukuha sila bilang emcees.

Malupit ang tandem na ito dahil kakaiba ang kanilang scam.

"Ibinebenta" nila ang mga raffle prizes.

Kumbaga, hindi pa man nabubunot sa tambiolo kung sino sa mga invited guests na pawang mga taga-showbiz din ang magwawagi ng grand prizes, “naluto” na ng dalawa kung sino ang mananalo.

Aalamin muna ng dalawang personalidad kung anu-ano ang major prizes.

Kapag nalaman na nila, sasabihin nila yun sa kanilang mga kakilala na invited din sa Christmas party.

Kung laptop, tablet o recorder, iaalok sa mga showbiz reporter. At kung camera, sa mga showbiz photographer.

Kumbaga, bentang panalo—at sa mas mababang presyo.

Kapag may kumagat sa kanilang scheme at nagkasundo sa datung, “dudukutin” na ng dalawang personalidad ang mga pangalan ng kanilang ka-deal.

Hindi na nila isasama sa mga bubunutin. Ilalagay na nila sa bulsa ng kanilang pantalon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag nagsimula na ang raffle, pagdating sa major prizes, nasa kamay na nila ang pangalan ng magiging winner.

Kunwari ay hinahalu-halo pa rin nila ang mga pangalang nakabilot sa papel, pero nakaipit na sa mga daliri ang pangalan ng kanilang tatawagin.

Pag-angat ng kamay, para disimulado, may konti pa silang adlib.

“Ay, ang suwerte naman nito!!! Andito kaya siya?!?!” sabay tingin sa mga umaasam na walang kamalay-malay na na-scam na sila at wala nang pag-asa sa premyo, sabay tingin uli sa pangalan bago bibigkasin nang malakas.

Pagkatapos ng party, magaganap na ang bayaran. Happy ang dalawang personalidad sa ekstrang kita mula sa kanilang modus. Happy rin naman ang nagwagi dahil mura lang niya binayaran ang premyong iuuwi.

Sa ngayon ay mukhang hindi na ginagawa ng dalawang personalidad ang ganitong scam. Medyo nakakaluwag-luwag na kasi sila sa buhay, at baka natatawa na lang sa kanilang pinaggagawang raket noong sila ay struggling pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Christmas party, raffle, scam
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sure winner sa raffle sa Christmas party, for a fee ay tinitiyak ng dalawang personalidad sa kanilang ka-deal na sila ang magwawagi ng major prize.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results