Inintriga ng isang netizen si Janine Gutierrez kung nagdadalantao ba ang Kapamilya actress.
Kaugnay ito ng Instagram post ni Janine kunsaan kasama niya si Paulo Avelino sa isang litrato.
Kuha iyon sa ABS-CBN Christmas Special 2022, na ginanap noong Sabado ng gabi, December 17, 2022.
Sa comments section, pinuna ng netizen ang bahagyang nakaumbok na tiyan ni Janine na nakasuot ng tight-fitting black gown.
Tanong ng netizen: "@janinegutierrez priggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo[?]"

Diretsahang nag-reply si Janine.
"PMS bloat actually," paglilinaw ni Janine, na ang tinukoy na PMS ay "premenstrual syndrome."
Dugtong ng aktres, "I've been holiday eating since wala pang taping. It's okay to enjoy the off season [smile] Diet na ulit after Christmas."
Kung naloka man ang aktres ay idinaan na lamang niya ito sa kuwelang hirit.
Aniya, "Sana masarap din kain mo this December [smile emoji]."

Nag-sorry ang netizen at sinabing nakita lang nito sa isang post kaya naitanong niya. Sana raw ay huwag magalit sa kanya ang aktres.
PAUNINE
Sa kabilang banda, ikinatuwa ng followers ni Janine na makita siya kasama si Paulo Avelino.
Hinihinalang magkasintahan na ang dalawa, pero tikom-bibig pa rin ang dalawa sa official relationship status nila.


Noong June 2022, pahapyaw na nabanggit ni Paulo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na napakilala niya si Janine sa kanyang ina na nakabase sa U.S.
Ang mga magulang ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon ay nasabi ring nakilala na nila si Paulo, at suportado raw nila kung saan man sasaya ang anak.
Unang nagkatambal sila Janine at Paulo sa pelikulang Ngayon Kaya, na noon pang April 2020 dapat naka-schedule na ipalabas, pero na-postpone dahil sa pandemya. Ipinalabas iyon sa sinehan noong June 2022.
Nauna namang umere sa telebisyon ang teamup nila sa Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You (September 13, 2021 to January 21, 2022).
- Paulo Avelino lets it slip Janine Gutierrez met his mom in the U.S.
- What Janine Gutierrez finds endearing about Paulo Avelino
- Janine Gutierrez, Paulo Avelino spotted in Palawan with Cherry Pie Picache, Edu Manzano
- Paulo Avelino asked about birthday gift to Janine Gutierrez
- Does Ramon Christopher approve of Paulo Avelino for Janine Gutierrez?
