PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez on Zanjoe Marudo: "Mabait si Z, gustong-gusto ko siya"

Sylvia: "Mabait si Z, marespetong bata."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 20, 2022
Sylvia Sanchez approves of Zanjoe Marudo for daughter Ria Atayde
Sylvia Sanchez (left) approves of Zanjoe Marudo (right) for daughter Ria Atayde (center): "Kaya ko pinu-post kasi gusto ko [siya]. Mabait si Z, marespetong bata and gustung-gusto ko siya."
PHOTO/S: SYLVIA SANCHEZ ON FACEBOOK

Aprub na aprub kay Sylvia Sanchez ang aktor na si Zanjoe Marudo na ngayon ay nali-link sa anak ng aktres na si Ria Atayde.

Noong Linggo, December 18, 2022, sa Christmas Special ng ABS-CBN, sumalang sa interview ang mag-inang Sylvia at Ria.

Sa kalagitnaan ng paglalaro nila ng "naughty or nice," nabanggit ng host na si Alora Sasam ang tungkol sa buhay pag-ibig ni Ria.

Tanong ni Alora, "Naughty or nice ba sa relationship si Ria?"

Sagot ni Sylvia, "Ayan, nice siya. Kasi ibinibigay niya lahat, sinusuko lahat.

"Lagi ko siyang sinasabihan na, 'Magtira ka palagi sa sarili mo.'

"Ayun lagi, kasi sabi ko sa kanya, 'Hindi ka kasing tapang ko.'

"Kasi si Ria yung umiiyak, lumalaban man pero [umiiyak], iba siya sa relationship niya.

"Mas matapang lang ako."

Sundot na tanong ni Alora, "Feeling mo ba, Tita, may nagbago sa dati at sa ngayon na mga relationship ni Ria?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maang-maangang tugon ni Sylvia, "Sino ba?"

Natatawang buwelta ni Alora, "Makaano naman si Tita, parang hindi pinu-post, e, sa iyo nga galing."

Seryosong sagot ni Sylvia, "Ay, oo, ang laki ng pinagbago. Ang laki ng kaibahan.

"Masaya ako, saka napaka-respecful ni ano."

Sa huli ay kinumpirma naman ni Sylvia na si Zanjoe ang tinutukoy niya nang diretsahang banggitin ni Alora ang pangalan ng aktor.

Ani pa ni Sylvia "Kaya ko pinu-post kasi gusto ko [siya].

"Mabait si Z, marespetong bata and gustung-gusto ko siya."


ZANJOE AND RIA DATING RUMORS

Mismong si Sylvia ang nagbuking sa publiko na may espesyal na relasyon sina Zanjoe at Ria.

Noong November 11, 2022, isiniwalat ni Sylvia nang makapanayam siya ng media na "exclusively dating" ang relationship status ng dalawa.

Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals

Hindi na rin ito itinanggi pa nina Zanjoe at Ria, dahil kamakailan ay naging bukas na rin silang ipakita sa publiko ang kanilang sweet moments together nang magkasama silang nagbakasyon sa Japan para ipagdiwang ang Halloween.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama nila ang kanilang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, at Robi Domingo.

Read: Zanjoe Marudo, Ria Atayde spotted getting cozy in Japan

November 20, 2022, tuluyan na ngang ipinost ni Sylvia ang larawan nilang pamilya na kasama na si Zanjoe.

Read: Sylvia Sanchez posts family bonding photo with daughter Ria Atayde's rumored boyfriend Zanjoe Marudo

Sa ngayon ay pag-amin na lang ang hinihintay ng kanilang fans dahil wala pa ring direktang kumpirmasyon kay Zanjoe at Ria kung sila nga ba.

Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez (left) approves of Zanjoe Marudo (right) for daughter Ria Atayde (center): "Kaya ko pinu-post kasi gusto ko [siya]. Mabait si Z, marespetong bata and gustung-gusto ko siya."
PHOTO/S: SYLVIA SANCHEZ ON FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results