Ipinagkikibit-balikat lamang ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga ang mga komentong "nakakasuya" na siya.
Ganito kasi ang karamihan sa comments sa bagong upload na dance video ni Dra. Vicki Belo sa Instagram kahapon, December 20, 2022. Kasama niya sa dance video si Alex.
Nakalagay sa caption ni Dr. Belo, “#kulit things with Scarlet Sr. naman [laughing in tears, heart emojis] missing you @cathygonzaga!
“#jinglebells #christmas #holiday #dance #alexgonzaga”
View this post on Instagram
Maraming negatibong komento drito mula sa netizens:

Ngunit mayroong ding nagtanggol sa Tropang LOL host:



Sa dami ng mga nagkomento, isang netizen ang sinagot ni Alex.
Ayon sa netizen, nilalagpasan na lang niya ang vlogs kung kasama si Alex sa video.
Buong komento nito: “I skipped when alex is in anybodys vlogs [face vomiting emoji]
Sagot lang dito ni Alex ay face with tears of joy emoji.

Sunud-sunod ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Alex.
Mainit pa ring pinag-uusapan sa halos lahat ng social media platforms ang kanyang naging pahayag tungkol sa “artistang matanda” na sinigaw-sigawan siya noon sa pinagsamahan nilang teleserye.
Ikinuwento ni Alex ang “traumatic” experience niyang ito sa December 1, 2022 episode ng kanyang podcast na "Ano Na Catherine."
Idinetalye rito ni Alex ang tungkol sa senior co-star na tinalakan siya dahil late dumating ang TV host-vlogger.
Walang pinangalanan si Alex kung sino ang tinutukoy niyang “artistang matanda,” pero marami ang nagbanggit sa pangalan ni Dina Bonnevie.
Read: Is Alex Gonzaga referring to Dina Bonnevie as the "artistang matanda" who scolded her on the set?
Nauna na ring pinag-usapan sina Alex at Dr. Vicki dahil sa vlog na inilabas ng huli noong November 11, kung saan humirit siyang bigla tungkol sa diumano’y hindi pagpansin sa kanya at kay Alex ni Heart Evangelista sa Italy.
Kaagad nilinaw ng dalawa na hindi naman talaga sila inisnab ni Heart sa Milan Fashion Week dahil hindi sila nagkita roon.
Read: Vicki Belo, Alex Gonzaga clarify alleged snubbing incident involving Heart Evangelista in Milan
