Katrina Halili does not renew contract with GMA Artist Center but stays with GMA-7

by Rommel R. Llanes
Apr 10, 2008
Young sexy actress Katrina Halili has decided not to renew her contract with GMA Artist Center after four years. "Nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung four years," says Katrina.

Opisyal na nagtapos ang kontrata ni Katrina Halili sa GMA Artist Center (GMAAC) noong February 1, 2008.

Apat na taong naging contract artist ng GMAAC si Katrina pagkatapos niyang maging StarStruck 1 Avenger. Ngayong nag-expire na ang kontrata niya, napagdesisyunan ng young actress na huwag nang mag-renew sa talent arm ng Kapuso network.

Sa taping ng summer special ng All Star K! The P1 Million Videoke Challenge kahapon, April 9, sa Coral View Resort sa Morong, Bataan, ay tinanong namin si Katrina kung bakit hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Artist Center.

"Gusto ko lang pong i-try," maikli niyang tugon.

Sa ngayon, sa mismong GMA Network na siya nakakontrata at ang tumatayong manager niya ay ang GMA executive na si Rommel Gacho.

"Mas palagay po ang loob ko," paliwanag ni Katrina. "Kasi si Tatay Rommel po talaga ang manager namin. Tatay siya ng mga StarStruck [graduates]. Siya yung mas nakakakilala sa amin. So feeling ko, mas okay ako dun. Ganun."

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang naging takbo ng career niya for four years sa pamamahala ng GMAAC?

"Happy naman, maganda naman yung tinakbo ng career ko dun," sabi ng young actress.

May naging problema ba siya sa Artist Center kaya siya umalis?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Wala naman. Gusto ko lang ma-try na magpa-handle kay Tatay Rommel," sagot ni Katrina.

Dagdag ni Katrina, nagpaalam daw siya nang maayos sa head ng GMAAC na si Ms. Ida Henares, kasama ang kanyang ama at isang abogado.

"Actually, may kasama po akong attorney, e. Bale sila na lang po yung nag-usap," lahad niya.

Sumama ba ang loob ni Ms. Henares sa desisyon ni Katrina na iwanan ang Artist Center?

"Actually, nung time na nag-meet kami, inaayos yung... Tina-try pong ayusin, ganun. E, nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung four years," aniya.

Nilinaw ni Katrina na sarili niya itong desisyon at walang sinuman na nag-impluwensiya or namilit sa kanya to make that decision.

Continue reading below ↓

From playing contravida roles, na ang pinakahuli ay sa Marimar, Katrina will play her first lead role in the TV adaptation of Magdusa Ka. Katrina will reprise the role first portrayed by Dina Bonnevie in the movie.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young sexy actress Katrina Halili has decided not to renew her contract with GMA Artist Center after four years. "Nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung four years," says Katrina.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results