Sagrado para kay Rodjun Cruz, 35, ang pagpapakasal nila ni Dianne Medina, 36, at may paninindigan siya na faithful siya sa asawa.
Twelve years na magkasintahan sina Rodjun Cruz at Dianne Medina nang ikasal sila noong December 21, 2019.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Rodjun na ang sinumpaan niya kay Dianne sa harap ng Diyos ang pinanghahawakan niya para maging matibay silang mag-asawa.
"Temptations? Siguro sa akin grabe yung blessings ang binigay sa akin Lord basta faithful ka sa Kanya.
"Di ko naman pakakasalan si Dianne kung hindi ko siya mahal. Kaya ko siya pinakasalan kasi di na ako maghahanap ng iba pang babae. Siya na yung mamahalin ko forever.
"Gusto ko lang maging mabuting asawa, mabuting parent kay Joaquin at sa mga future kids namin."
Ganoon daw ang mindset niya kahit nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon.
Paliwanag pa ng Kapuso actor: "Siguro simula nung boyfriend-girlfriend kami, ang center talaga ng relationship namin is si Lord.
"Lalo pang tumibay yun nung kinasal kami ni Dianne. And kung may mga problema kasama namin si Lord pinagdarasal namin.
"Thankful din kami kasi grabe yung blessing sa amin ni Lord kaya mas lalong nagmamahalan kami lalo na dumating pa si Joaquin ngayon.
"Di kami maghihiwalay, magmamahalan kami forever," nakangiting sabi pa ni Rodjun.

HOW FATHERHOOD CHANGED RODJUN
Dalawang taon na ang anak nila Rodjun at Dianne na si Joaquin.
Kuwento ni Rodjun, iba ang inspirasyon at saya na binigay sa pamilya nila ni Baby Joaquin.
"Siguro para sa akin, yung motivation ko sa pagtrabaho ko ngayon, mas inspired ako.
"Siyempre ginagawa ko ito for Baby Joaquin dahil gusto ko balang araw maging proud siya sa akin.
"Siyempre, gusto ko ring maging role model sa kanya kaya sa lahat ng ginagawa ko pinagbubutihan ko rin.
"Siyempre, gusto ko ring maging mabuting tao sa lahat, good vibes lang talaga ako and love sa lahat."
Sa mga pagkakataong nakakaranas siya ng pagsubok, kumpiyansa si Rodjun na may panghuhugutan siya ng lakas ng loob dahil sa pamilya.
"Siguro nabago yung outlook ko sa life. Siyempre iba pag nandiyan si Joaquin lalo na nung pandemic.
"Alam mo na may promise si Lord para sa atin, kasi nung pandemic marami ang nalungkot, marami ang nawalan ng pag-asa. Si Lord may plano yan para sa atin basta positive lang tayo.
"Si Joaquin ang nagbigay ng strength sa amin ni Dianne kaya mas naging positive kami in life saka mas excited kami sa araw-araw dahil gusto naming maging good parents kay Baby Joaquin."

RODJUN CRUZ AS A SOLID KAPUSO
Labis ang pasasalamat ni Rodjun sa magagandang nangyayari sa personal at maging sa kanyang showbiz career bilang Kapuso star.
Mula January-April 2022, bumida sila ni Jo Berry sa Kapuso drama series na Little Princess.
"Thankful din ako kasi may mga work na tayo ngayon, tapos na yung pandemic. Siyempre support din sa Little Princess magwa-one year na."
"Sa mga nag-support sa Little Princess, sa tuluy-tuloy na blessings, kapipirma ko lang sa GMA Network so thankful talaga ako sa mga binibigay at tiwala nila sa akin."

Nagpasalamat din siya sa mga proyektong ipagkakatiwala sa kanya ng mother network.
Dagdag ni Rodjun: "Actually, ang GMA kasi, alam ko na palagi silang may nakahain para sa akin. Di rin kasi ako yung pag pipirma ako tatanungin ko muna, 'Ano yung ibibigay niyo sa akin?'
"Ilang taon na rin ako sa GMA and nag-grow din ako as an artist, marami akong natutunan bilang aktor.
"Yung recent nga na binigay nila sa akin yung Little Princess na nag-leading man ako kay Jo Berry, magwa-one year pa lang ako at alam ko na mayroon ding maganda show na naka-ready para sa akin.
"Ako naman kasi bilang aktor, kahit na anong trabaho ang ibigay sa akin gagawin ko yan.
"Small role or big role, basta pagbubutihin ko, ibibigay ko ang best ko basta bigyan ako ng trabaho."
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Anatomy of A History Teleserye: "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about
- (Updated) Vice Ganda, KathNiel, Beauty Gonzalez spotted at Eraserheads reunion concert
- REVIEW: Eraserheads turns back the clock, hits at "Huling El Bimbo" reunion concert
- Showbiz personality, misteryosong "nag-pass out" sa Eraserheads concert
