Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens na walang Christmas photo na magkasama ang magkasintahang Sofia Andres at Daniel Miranda kasama ng kanilang anak na si Zoe Natalia Miranda.
Sa Instagram noong Christmas Eve, December 24,2022, unang nag-post si Daniel ng larawan niya kasama ang anak na si Zoe katabi ang isang Christmas tree.
Naka-beige na damit si Zoe sa larawan habang nakaputi naman si Daniel.
Caption ni Daniel, “Merry Christmas [red heart, Christmas tree emojis] @iamzoemiranda”
View this post on Instagram
Komento ng isang netizen, “I noticed, Sofia's not following Daniel anymore [crying face emoji]”
Tugon sa kanya ng isa pang netizen, “She still following him”
Dagdag ng isa pang netizen, “she follow him again”
Sagot ng unang nagkomento, “yes, she's now following him again. I hope, they're in good terms.”
Ayon pa sa isa, “nakafollow pa rin po”

Tanong naman ng isang commenter, “Hala omg bakit kya d nkafollow c Sofia ky Daniel”
Sagot ng ilang netizens, nag-follow ulit si Sofia ilang minuto matapos niyang i-unfollow si Daniel.

Hindi din kasi nakaligtas na mai-screenshot ng netizens ang pag-unfollow ni Sofia kay Daniel.

Pero, nag-follow din siya ulit.

Following pa din naman ni Daniel si Sofia.

May mga nagtatanong din kung bakit wala silang family Christmas photos at kung bakit walang larawan si Sofia na kasama ni Daniel at anak nitong Pasko.

Kahapon, Araw ng Pasko, December 25, si Sofia naman ang nag-post sa kanyang Instagram ng dalawang solong larawan ng anak, at ang pangatlong larawan ay kasama siya.
Naka-pulang damit si Zoe samantalang mabulaklaking orange dress naman ang suot ng aktres.
Sabi niya sa caption, “MEWI KWISMASSS! [Christmas tree, green heart emojis] @iamzoemiranda”
View this post on Instagram
Sabi ng isang netizen kay Sofia, sana hindi sila maghiwalay ni Daniel. Ipagdadasal din daw niya ang dalawa.

Tinatanong naman ng isa kung bakit wala si Daniel sa picture.

Wish naman ng isa na okay pa rin ang relasyon ng dalawa. Tugon ng isang netizen, baka raw nagkatampuhan lamang na normal sa isang relasyon.

November 2018, nagsimulang maugnay si Sofia kay Daniel.
Read: Is race car driver Daniel Miranda the new inspiration of actress Sofia Andres?
November 24, 2019 isinilang ni Sofia ang anak nila ni Daniel na si Zoe.
