Tinapos na ba nina Rhian Ramos at Sam Verzosa ang kanilang relasyon?
Ngayong Martes, December 27, 2022, napansin ng mapanuring mata ng netizens na hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.


Pero, hindi pa naman sila nagbubura ng kanilang mga larawang magkasama sa Instagram.
Nitong July 30, 2022 lamang ay inamin ni Rhian na boyfriend na nga niya ang negosyanteng si Sam.
Read: Rhian Ramos makes relationship with Sam Verzosa public
Si Sam ay isang kilalang negosyante at co-founder ng beauty brand at marketing enterprise na FrontRow.
Eksklusibong inamin ni Rhian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig City, ang relasyon nila ng negosyante.
Sabi pa ng Kapuso actress, hindi niya masasabing bago pa lang ang relasyon nila ni Sam pero baka sabihin ng publiko na bago lamang ito dahil noon lang sila nakitang magkasama.
Nakangiting pag-amin ni Rhian, "Actually, I wouldn't call it new. New in public maybe."
Sumang-ayon din si Rhian na first appearance nila bilang couple ang pagdalo sa media-covered gala night ng GMA-7.
Samantala, sa isang exclusive interview ng PEP.ph sa negosyante noong October 9, 2022, sinabi ni Sam na give and take ang relasyon nila ni Rhian.
Ayon pa sa kanya, suportado nila ang career at personal projects ng isa’t isa. Lagi rin silang nakaantabay para umalalay kung kailangan.
“Lagi naman po dapat sa isang relasyon, tulungan,” saad pa niya.
Paglalarawan ni Sam sa relasyon nila ni Rhian, “Pag kailangan ko po siya, dito siya sa amin. At pag kailangan niya, nandun din ako sa kanya, lalo na sa pagtulong sa mga kababayan natin.
“Sino bang ayaw makatulong? Sino bang ayaw makabago ng buhay? We bring out the best in each other. Masaya kami at masaya kaming nakakatulong sa iba.”
Read: Entrepreneur Sam Verzosa on Rhian Ramos: "We bring out the best in each other."
