Nagdulot ng ingay sa social media ang post kamakailan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Nag-iwan kasi ng palaisipan sa mga netizen ang Instagram post ni Catriona noong December 24, 2022, kung saan makikitang magkasama sila ng nobyong si Sam Milby sa isang picnic date sa Australia.
Sa picture ay makikita na tila nag-e-enjoy silang nakatanaw sa kulay asul na karagatan.
Naka-tag pa si Sam sa litrato na may simple ngunit makahulugang caption na: "Today made me the happiest (cloud emoji)."
]Dahil dito, maraming netizens ang naging curious sa tila misteryosong caption ng beauty queen.
Sa comment section ng post ni Catriona ay mababasa ang mga tanong ng fans kung pahiwatig na ba ito ng pagpo-propose ni Sam.
Komento ng isang netizen, "Why does my mind think of a proposal the moment I read the caption."
Hula pa ng isa, “I’m guessing this is a proposal (ring emoji)”
Tanong pa ng kanilang fans, “Did Sam propose to you? when is the big day. Will it be held in the Philippines, Australia or somewhere else?”
Saad pa ng isa, "I'm sensing someone got engaged."
SAM-CATRIONA RELATIONSHIP
Noong May 23, 2020, isinapubliko nina Catriona at Sam ang espesyal na relasyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Ito'y matapos i-post ni Sam sa Instagram, sa mismong araw ng kanyang 36th birthday, ang larawan nila ni Catriona habang magkayakap sa isa't isa.
Mababasa sa kanyang caption: "Worth every second of the wait. Most special birthday yet (heart emoji.)
Read: Sam Milby confirms relationship with Catriona Gray
Pero bago ito, early as December 2019, usap-usapan na ang sightings ng mga bonding nila.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sam noong June 2022, proud niyang ibinahagi na si Catriona ang isa sa nagbibigay-inspirasyon sa kanya.
Ayon sa Kapamilya actor-singer, malaking bagay ang pagkakaroon nila ng mature na mindset pagdating sa pag-ibig kaya going strong ang kanilang relasyon.
Laking pasasalamat din daw niya kay Catriona dahil sa pagiging maunawain nito pagdating sa kanyang trabaho.
Saad niya, "We try to keep our relationship very private, and the one thing with her, naintindihan niya.
"Kahit hindi siya actress, we had a few talks and she's very, very understanding. I think that's hard to find, you know, obviously with someone that's not in the business.
"Just having that understanding na trabaho ko ito, and that the trust is there.
"Hindi siya selosa. I'm thankful that I have someone like that."
Read: Sam Milby opens up about dynamics with girlfriend Catriona Gray
Sa ngayon ay wala pang sagot sina Sam at Catriona tungkol sa haka-hakang engagement nila.
