Kung ang young actress na si Anne Curtis ay very vocal ever since bata pa lamang siya na ang dream leading man niya ay si Aga Muhlach, it seems after nilang gawin ang first movie nila together, ang When Love Begins ng Star Cinema na maipalalabas na ngayong April 30, hindi na lamang si Anne ang humahanga kay Aga. Maging ang aktor ay humanga na rin kay Anne dahil sa magagandang salitang binitiwan ni Aga about his leading lady and their movie sa presscon ng When Love Begins kagabi, April 10, sa 13th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.
"After seeing the trailer, I am more inspired now," sambit ni Aga. "Parang I am more saddened that the filming will end soon. After the movie has shown, that's it! That's why I'd like to take this opportunity to really thank Anne, really, for the opportunity working with her. I had fun, really."
Nababalita palagi ang mga kissing scenes na ginawa nina Aga at Anne sa pelikula. Though, pareho nilang kinumpirma sa presscon na ang love scene nila ay isu-shoot pa lang since may ilang shooting days pa sila bago ang showing ng movie.
Ayon kay Aga, they were both comfortable doing those kissing scenes. "It's just like that, action! Okay, action!" natatawang sabi ni Aga. "Kapag naman cut, cut! When you hear the director shout ‘Cut!' okay... But you know, we are not selling the kissing scenes, the love scenes, ganyan... But it's just nice to see kung paano ang gagawin namin.
"Sabi ko nga, every year, dapat ibang movie ang ipapakita mo. And it's like our first movie and we would like to show something different. And I just hope that my friend here [referring to Anne] had fun, enjoyed the whole process."
Tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aga kung paano niya tinulungan si Anne sa mga eksena nila.
"Tinulungan?" maagap niyang tugon. "Hindi mo na kailangang tulungan! Ang galing niyan! Paano mo tutulungan? She's good! Actually, who am I to judge? I'm just artista too. Ako naman, ang most important sa akin is for my leading lady to always have fun on the set. Be comfortable... I guess that's the selling point, pagiging happy sa set, steady lang, and everything follows."
After the question and answer portion, sinabi ni Aga na si Anne ay hindi dapat niloloko ng kahit sinong lalaking makakarelasyon niya dahil may magaganda raw plano ang young actress sa buhay nito at maging sa mga taong malalapit dito.
Tuloy, naitanong ng PEP kay Aga kung sa pagsasama ba nila sa shooting ay may mga naikukuwento si Anne sa kanya about her lovelife or Anne's past relationship.
"Hindi naman, hindi naman," sabi ni Aga. "Ayokong malagyan ng anggulo ‘yan, no? Basta para sa akin, kahit sino namang babae, hindi naman dapat na niloloko. Kaya lang, siyempre hindi mo maiiwasan sa isang relationship that you do not know what will happen at the end. It's really like that. Sometimes it works, sometimes it doesn't."
DREAM LEADING MAN. Nagpakita naman ng pagkailang si Aga nang tanungin namin how does he feel na sa mga female stars, mapa-baguhan or dati pa, siya ang bukambibig na dream leading man nila, like Anne said about him?
"Kapag naririnig ko ‘yan, really...it's embarrassing," sagot ng matinee idol. "But at the same time, nakakataba ng puso ‘yan. Iniisip ko, bakit ba? Ano ba yung meron ako? Well, I think, it's my body!" biro niya.
When somebody asked Anne regarding Sam Milby, the young actress refused to talk about her rumored boyfriend dahil hindi naman daw kasi kasama si Sam sa movie nila. Same goes with Aga na tila maingat din na magbangggit ng anuman about his wife, Charlene Gonzalez. Tuloy, naitanong kay Aga kung nagre-react ba si Charlene tuwing nababanggit niya ang asawa sa kanyang interviews.
"No, no, my wife is very supportive," paglilinaw ni Aga. "It's just that ayoko lang bigyan ng kulay. Ayoko lang bigyan ng anggulo na mapasama pa siya because, unang-una, she's not included in this movie. It's unfair really to talk about her in this movie and it's unfair to talk about Sam in this movie."
FATHER ROLES. Obvious din na sa hanay ng mga aktor ngayon, partikular na sa mga naging kasabayan ni Aga, tila bukod-tanging siya lang ang hindi pa tumatanggap ng father roles. Kahit mas bata pa sa kanya ng di hamak ay gumaganap na bilang father sa mga young stars ngayon. Ano ang masasabi ni Aga rito?
"You know, I think it's a different medium. Parang sa TV kasi, anything goes. I don't know... I think sa TV kasi, it's work. It doesn't matter what roles they play. Sa movies kasi, you have all the titles to choose... Oh, well, I don't know...mahirap magsalita," napapailing niyang sabi.
Isa rin si Aga sa iilang major stars na hindi pa naka-convince na gumawa ng soap opera, bagama't madalas siyang gumawa ng sitcom gaya ng That's My Doc.
"Well, I'm just happy doing my sitcom and I will fight for that. I will fight for our show. And I am happy to announce also that we are changing timeslot. Kasi Sunday kami ng nine something ng gabi. I think, we are moving it to Saturday at six o' clock starting this April 26, before the showing of our movie," pahayag ni Aga.
Paano napapanatili ni Aga ang wholesome image niya, hindi gaya ng iba na palaging may kakabit na intriga or kontrobersiya?
"There's no wholesome image, it's just me. It's not an image. It's how I am. I'm just real. Like when I said, when I'm filming, if I want to laugh, I'll laugh. I know my limitations. It's just there. It's fun. It's nice," paliwanag ni Aga.
Trailer courtesy of Star Cinema
