Maligayang-maligaya ang award-winning director na si Raymond Red dahil sa tagumpay ng kanyang mga anak na sina Mikhail at Nikolas sa Gabi ng Parangal ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) na idinaos sa New Frontier Theater noong December 27, 2022.
Si Mikhail Red ang pinarangalan bilang Best Director, at ang kanyang kapatid na si Nikolas ang hinirang na Best Editor para sa kanilang pelikula, ang Deleter, na itinanghal namang Best Picture.
Malaki ang kinalaman ni Raymond sa mga nangyayari sa kanyang mga anak, na sinundan ang yapak niya at ginamit siyang inspirasyon sa paggawa ng mga pelikula, kaya mahalagang kilalanin ang kanyang mga kontribusyon.
Si Raymond ang unang Pilipino na nanalo ng Palme d’Or, ang pinakamataas na premyo sa 53rd Cannes International Film Festival noong May 2000 para sa kanyang short film na Anino.
Pinarangalan siya bilang Icon of Philippine Independent and Alternative Cinema nang ipagdiwang ang 100 Years of Philippine Cinema noong September 2019.

Raymond Red (right) with sons Nikolas (left) and Mikhail (center)
PROUD KUYA
Ang Best Editor trophy mula sa MMFF 2022 ang unang parangal na natanggap ni Nikolas Red kaya masayang-masaya si Mikhail na isang mahigpit na yakap ang iginawad sa kanyang kapatid habang papaakyat ito sa entablado.
Pagpupugay ni Mikhail sa nakababatang kapatid, sa pamamagitan ng Facebook post: “One of the best moments of the night was when my brother Nikolas won best editor.
"I ran up to hug him as soon as it was announced but wasn't able to take a picture because I had to prepare to present another award backstage!
“Nikos and I have been collaborating and making films since we were little kids, running around with our minidv camcorder editing on windows moviemaker.
“Making movies and telling stories with my brother has always been a dream. He later went on to edit my genre feature films (not an easy task to offline cut with the vast number of shots, moving components, and missing vfx elements in some of our films) and because of our familiarity with each other's cinematic language and influences, it was always a fun and smooth collaborative process.
“I've always wished the industry would recognize his talent as an editor. Now he finally gets his first award and I am so damn proud.Cheers Nikos tataas na tf mo hindi na kita ma-afford! Here's to more movies!”
MIKHAIL AS A FILMMAKER
Mararamdaman ang malaking impluwensiya ni Raymond sa kanyang mga anak sa paggawa ng pelikula dahil sa mga pahayag ni Mikhail sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), ilang araw bago nagsimula ang 48th Metro Manila Film Festival.
Read: Deleter, big winner sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal; Ian Veneracion, di nakapagpigil kay Mon Confiado
Nakamamanghang malaman na natuto si Mikhail gumamit ng kamera sa edad na labindalawa (12) dahil nga sa kinagisnan nilang propesyon ng kanyang ama.
Lahad ng Deleter director, “Eight [8] millimeter camera meron kami sa dad ko.Parang nilalaro ko lang, pero hindi ko siya ginawang short film.
“Ever since bata ako, 12 years old, gumagawa ako ng films. Mga simpleng…any excuse to make a movie.
"So, kunyari may English project kami sa high school, imbes na presentation, sasabihin ko sa teacher, ‘Puwede bang gumawa na lang kami ng short film about that topic?’”
Kailan niya na-realize na magaling siyang direktor?
“Ang dami ko pang kailangan na matutunan,” nahihiyang sagot ni Mikhail.
“Yun ang lagi kong sinasabi sa mga film student na yung grasp mo sa grammar ng film language is just by watching, pero it’s more of…
"I feel like nae-enjoy ko nga na novice ako in a sense na every genre ng movies na ita-try ko, first time ko.
“If nae-enjoy nyo yung movies namin, that’s because I think infectious yung passion."
Saad pa niya, “Yung industry na to, hindi naman race, marathon siya. Parang on your way up, yung mga PA [personal assistant] na madadaanan mo, one day, producer mo na.
"So, parang ang mas important sa talent, I always tell students, is passion dahil yun ang energy source mo.
“Puwede kang mag-run out after one big hit, wala ka na. Pero I feel kung passionate ka and naggi-geek out sa proseso, hindi ka titigil.
“Parang kahit anong budget o kahit anong camera ang ibigay sa yo, gagawa ka kasi nga napaka-honest ng desire mo to make films.
"Kung ginagawa mo siya as a 12-year-old na wala naman kapalit, gagawin mo siya kahit ano yung condition.”