Rachelle Ann Go denies she and Christian Bautista are together again

by Julie E. Bonifacio
Apr 11, 2008
Rachelle Ann Go says there was no time for her and ex-boyfriend Christian Bautista to go out on a date because of their busy schedule. She, however, squeezed in a shoe sale shopping spree and came home with 18 pairs of shoes.
Kinumpirma ni Rachelle Ann Go na walang balikang naganap sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Christian Bautista sa more than a month na nagkasama sila sa series of shows na ginawa nila abroad.

"Okey naman kami," bungad ni Rachelle tungkol sa kanila ni Christian.

May nabuo ba ulit sa kanilang pagbalik?

"Hmmm...wala. Normal po," ngiti ni Rachelle sa launch ng kanyang bagong album under Viva Records titled Rachelle Ann Rocks Live! sa Red Box ng TriNoma mall noong Huwebes, April 10.

Normal pa rin as in tulad ng ibang magkarelasyon?

"I mean, normal as friends, katrabaho, ganun," sagot agad ni Rachelle.

Hindi ba sila nag-usap ni Christian sa U.S. for a possible reconciliation?

"Ay, hindi! Hindi. Friends lang talaga. Hindi natin kasi alam kung ano ang mangyayari."

Ayaw ba niya na maging sila ulit?

"Hindi ko alam. Pero siya parang hindi ko alam kung nagpaparamdam, e. Ayokong mag-assume. Wala naman kaming napag-usapan tungkol doon. Kaya mahirap magsalita, e."

Continue reading below ↓

Ni hindi man lang siya nai-date ni Christian sa mahabang pagkakataon na magkasama silang dalawa sa U.S.?

"Ay, naku ang schedule po talaga namin pukpok talaga. ‘Tapos ‘pag walang show, meet and greet, presscon, ganun ang schedule namin."

Ano naman ang reaction ng crowd sa kanila ni Christian?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Actually, yun pa rin talaga ang tanong, ano'ng nangyari sa amin? Kung kami ulit, ganun."

U.S. SHOE SALE. Suut-suot ni Rachelle Ann ang binili niyang Bebe shoes sa U.S. sa kanyang album launch. Isa lang ito sa 18 pairs na binili niya roon.

"Kasi naman sale," nahihiyang kuwento ni Rachelle.

"Hindi naman ako bibili kung hindi siya sale. Marami akong binilhan sa mga outlet stores doon. Meron sa Bebe, sa Gucci. Sa Gucci nakabili ako ng shoes na half-price. Nakakuha ako ng US$500 worth pero nabili ko lang ng US$250. May mga US$1700 nga, may US$700 din na sale. Pero ayoko na. Sayang ang pera. Nakakapanghinayang kasi marami na akong puwedeng bilhin doon [sa pera]."

Continue reading below ↓

ROCKIN' RACHELLE ANN. Hindi kaya magulat ang mga fans niya sa bagong sound sa kanyang latest album?

"Actually, hindi ko alam. Pero halos pareho naman yung kanta lang dahil nakilala as rock song. Pero sa tingin ko yung pagkakanta ko naman parang hindi naman masyadong malayo sa dati kong ginagawa."

Bakit niya napiling kantahin ang mga rock songs?

"Ideya po talaga ng Viva. Si Boss Vincent [del Rosario] gusto talaga yung rock. So, ‘ayun nag-meeting lang sila kung okey ba sa akin, kung babagay ba sa akin. Tinanong din naman nila ako. Sabi ko okey lang."

Part ba ito ng repackaging sa kanya?

"Hindi naman. Para may variety lang. Hindi naman totally parang bago. Siguro parang ano lang, something new. Para hindi pare-pareho na lang yung ginagawa kong album. And hindi naman totally... hindi na gagawin yung mga birit-birit ako sa pagkanta. Nand'un pa rin yun [pagbirit]. At ginagawa ko pa rin yun tuwing Linggo sa ASAP."

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachelle Ann Go says there was no time for her and ex-boyfriend Christian Bautista to go out on a date because of their busy schedule. She, however, squeezed in a shoe sale shopping spree and came home with 18 pairs of shoes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results