PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pope Emeritus Benedict XVI dies at 95

Naging Santo Papa siya mula 2005 hanggang 2013.
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2022
Pope Benedict XVI
Naging Santo Papa si Joseph Aloisius Ratzinger, famously known as Benedict XVI, noong April 19, 2005.
PHOTO/S: Giuseppe Ruggirello via Wikimedia Commons

Pumanaw ngayong Sabado, December 31, 2022, sa edad na 95 sa Mater Ecclesiae Monastery ng Vatican si Pope Emeritus Benedict XVI.

Ayon sa announcement ng Vatican, binawian ng buhay si Pope Emeritus Benedict XVI at 9:34 a.m. (4:34 p.m. sa Pilipinas).

“With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican. Further information will be provided as soon as possible,” ang anunsyo ng Vatican tungkol sa paglisan ni Pope Emeritus Benedict XVI."

Joseph Aloisius Ratzinger ang tunay na pangalan ni Pope Emeritus Benedict XVI, isinilang siya noong April 16, 1927, sa Bavaria, Germany, at nahalal bilang ika-265 na Santo Papa sa edad na 78 noong April 19, 2005.

Ang katandaan ang isa sa mga dahilan ng pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI na tinalikuran noong Pebrero 28, 2013 ang mga tungkulin bilang pinuno ng Simbahang Katolika dahil sa kanyang kalusugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 28, 2022 sa huling General Audience ni Pope Francis, humingi siya ng mga panalangin para sa lumalalang kundisyon ng kanyang hinalinhan na Santo Papa.

Sa kasaysayan ng simbahan sa loob ng anim na raang taon, si Pope Emeritus Benedict XVI ang unang modern pope na bumaba mula sa puwesto.

Nakatakdang iburol sa St. Peter’s Basilica simula sa Lunes, January 2, 2023, ang mga labi ng pumanaw na alagad ng simbahan.

Ayon kay Jon Cruz, isang Pilipino na naninirahan sa Rome, malaking balita sa Italya at maging sa buong mundo ang pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI, pero nananatiling normal ang pamumuhay ng mga residente na abala ngayon sa paghahanda para sa pagpasok ng bagong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging Santo Papa si Joseph Aloisius Ratzinger, famously known as Benedict XVI, noong April 19, 2005.
PHOTO/S: Giuseppe Ruggirello via Wikimedia Commons
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results