This summer, tiyak na matutupad ang ilang matagal nang pinapangarap ni Anne Curtis—kasama na ang pakikipagpareha kay Aga Muhlach—mula noong 12 years old pa lang siya at ipinakilala sa isa sa mga una niyang pelikula, ang Magic Kingdom.
Si Aga ang leading man ni Anne sa pelikulang When Love Begins ng Star Cinema.
"Tandang-tanda ko pa na nasabi ko yun, as in I was still a child then," natatawang sabi ni Anne. "Hindi nga ako makapaniwala, then may kissing scenes pa kami. Hindi naman sa nailang ako, pero I was so tensed the first time we got together sa mga eksena namin.
"I'm so happy, kasi lagi niyang ipinapaalala sa akin na mag-relax lang ako, magiging maganda ang mga eksena namin. Never kong naramdamang nag-take advantage siya, and when in front of the cameras, I'm always aware na trabaho lang talaga ang lahat," banggit pa ng magandang dalaga tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay Aga.
TEN DAYS IN BORACAY. Magiging kapana-panabik sa fans ng dalawa ang first team-up movie nila dahil maraming eksena rito ang kinunan pa sa Boracay, na ang beaches ay itinuturing na paraiso ng marami.
"Hindi naman ako nailang, lalo doon sa scenes na kailangang magkasama kami ni Aga while I was just wearing two-piece bathing suit. Pinaghandaan ko rin kasi ang pelikula, through dieting and exerise, alam kong kailangang maging sexy rin ako para sa movie," sabi ni Anne.
Naging smooth daw ang shooting nila sa Bora dahil katatapos lang ng Holy Week noon.
"Malaki ang nabawas sa mga taong nagpupunta doon, kasi tapos na ang bakasyon," dugtong ni Anne. "Kahit marami pang mga tao, I'm always confident wearing sexy outfits. Mas pangit kasing lalabas kung asiwa ako sa pagbe-bathing suit, e, medyo may pagka-liberated ang role ko sa movie. At nagbaon talaga ako ng maraming swimsuits, para may mga pagpipilian talaga!" natatawa niyang sabi.
NOT ABOUT SAM. Kahit sa panahong lumilitaw na si Sam Milby ang pinaka-close kay Anne, sa ngayon itinatanggi ni Anne na mayroon silang malalim ng relasyon ng binata. Bagay na may kapilyuhan ang ngiti ni Aga kapag nababanggit.
"Of course, may mga personal na bagay akong nasasabi kay Aga, lalo noong time na nagsu-shoot kami. Remember, ten days din kaming magkasama sa Bora, at talagang naging super-close kami doon. But swear, sinasabi ko rin talaga kay Aga na hindi ko boyfriend si Sam. Not for anything else, kasi hindi naman talaga.
"Besides, kaya lang ako umiiwas na magsalita about Sam, just to be fair with him. Hindi naman kasama si Sam sa pelikula namin ni Aga, the same way na ganoon ang stand ni Aga kapag nababanggit ang wife niya [Charlene Gonzalez], kasi hindi sila kasali sa pelikula at wala silang connection, for us to talk about them. Sana, maintindihan din yun ng press," paliwanag ni Anne.
At 23, sa puntong ito, ang gusto lang ni Anne ay mag-concentrate sa career niya. Kaya nga raw maganda ang balik nito sa kanya.
"Hindi ko pa talaga naiisip na I would settle down, it's still too early," pagtatapat ng young actress. "Para kasing ngayon pa lang nag-uumpisa ang career ko. At marami pa akong gustong gawin, aside from being an artista. I want to put up a kindergarten school. I really love kids.
"Talagang may puso ako sa mga bata, lalo na sa orphans. I guess yun ang calling ko, na aside from being an artista, kailangang may gawin akong very significant. Yun na nga ang plan ko, to put up an institution for pre-schoolers," banggit ni Anne.
CHANGING CHANNELS. Bago pa ang malaking pelikula sa Star Cinema, nakaabot sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nagkaroon ng negotiation ang tumatayong manager niyang si Veronique del Rosario for Viva sa GMA-7. Muntik na ngang lumipat si Anne sa Kapuso network, ayon sa balita, at siya sana ang ipupuwestong bida sa Dyesebel.
"Hindi ko talaga alam ang tungkol sa negotiations, kung mayroon man," tila nagtatakang banggit ni Anne. "All the while, ang alam ko, masaya ako sa ABS-CBN. Hindi naman nila ako pinababayaan, and until now, ang importante, nasa kanila pa rin ang loyalty ko.
"But I can't deny the fact na isa sa dream roles ko yung Dyesebel, o maging mermaid. Hindi na muna mangyayari yun sa TV dahil nasa kabila [GMA-7] na yung rights. Pero, who knows? Baka sa pelikula, ako ang maging bida. Okey rin lang mangarap, di ba? It all starts from there," pahayag ni Anne.
Trailer courtesy of Star Cinema