PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Trina Candaza takes a swipe at Carlo Aquino on yearender post

Trina claims Carlo was "excited to remove" her and daughter from his life.
by Rachelle Siazon
Published Jan 2, 2023
Trina Candaza and Carlo Aquino
Trina Candaza on ex-partner Carlo Aquino: "We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life."
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram

Prangkang nagpatama si Trina Candaza, 26, sa ex-partner na si Carlo Aquino, 37.

Sa kanyang Instagram post nitong mismong New Year, January 1, 2023, inalala ni Trina ang aniya'y pang-iiwan sa ere sa kanya ng lalaking minahal at pinagkatiwalaan.

Hindi man pinangalanan ni Trina, malinaw na si Carlo ang tinutukoy niya base sa kanyang mga salita.

Sina Trina at Carlo ay may two-year-old daughter na si Enola Mithi.

"Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all.

"We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us.

"But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life," maanghang na saad ni Trina sa caption ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, ipinagmalaki ni Trina na kinaya niyang itaguyod ang sarili sa kabila ng paghihiwalay nila ni Carlo.

Inilista niya ang pagkakaroon ng apat na endorsements, pagbili ng kotse, pagbukas ng tatlong munting negosyo, at iba pang personal accomplishments.

NOT ON GOOD TERMS AGAIN?

Sa comments section ng post ni Trina, marami sa followers niya ang bumatikos kay Carlo na hindi raw pinanindigan ang mag-inang Trina at Baby Mithi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung nagkaproblema ba muli sa co-parenting set-up nina Trina at Carlo dahil noong Setyembre 7, 2022 ay magkasama pa ang dalawa sa second birthday party ng anak nila.

Read: Carlo Aquino, Trina Candaza together for daughter Mithi's 2nd birthday

Ipinost ni Trina ang pictures mula sa selebrasyon na iyon.

Sa YouTube vlog niya, ipinaliwanag ni Trina na totoong on good terms sila ni Carlo.

Bago pa lamang daw silang nagkaayos para sa anak, at pinapayagan daw niyang bumisita sa condo unit niya ang aktor para makita ang bata. Lumalabas din daw sila bilang pamilya.

Naging tapat si Trina na hindi siya sarado sa posibilidad na magkabalikan sila ni Carlo, pero sinabi niya sa vlog na tanggap din niya sakaling hindi na maging sila ulit.

Pero tila may gusot uli sa pagitan nila.

Read: Are Carlo Aquino and Trina Candaza getting back together? Trina speaks up

CARLO AQUINO AND CHARLIE DIZON ROMANCE RUMOR

Bago magtapos ang 2022, nauugnay naman si Carlo sa kapwa Kapamilya star na si Charlie Dizon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na Love on a Budget na ipalalabas ngayong 2023.

Pero sa Instagram post ni Charlie noong December 29, 2022, pinuna ng netizens ang sweet pose nina Carlo at Charlie kasama ng non-showbiz friends ng aktres.

Nabigyang-kulay iyon dahil magkadikit ang dalawa at magkaangkla ang mga kamay kaya panay ang tanong ng netizens kung sila na ba.

Tikom-bibig pa sa ngayon si Carlo sa isyu.

Read: Is Charlie Dizon in a relationship with Carlo Aquino?

CARLO AQUINO AND TRINA CANDAZA'S BREAKUP

Isang taon ang nakararaan mula nang pumutok ang hiwalayan nina Carlo at Trina matapos ang tatlong taong relasyon.

Hindi kaila na kontrobersiyal ang patutsada noon ni Trina tungkol sa diumano'y pagkakaroon ng third party ng Kapamilya actor.

Nag-alsa balutan si Trina at umalis ng bahay ni Carlo kasama ni Baby Mithi. Simula January 2022 ay nakatira na ang mag-ina sa condo unit ni Trina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 2022, prangka ring sinagot ni Trina ang netizens na ang dahilan kung bakit hiwalay sila ni Carlo ay dahil malabo ang konsepto ng aktor ng commitment sa kanilang binuong pamilya.

Tila hindi rin naniniwala si Carlo sa pagpapakasal, base sa mga salitang binitiwan noon ni Trina.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trina Candaza on ex-partner Carlo Aquino: "We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life."
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results