Masaya ang lagay ng puso ngayon ni Carmen Ojales Curtis-Smith, ina ng mga aktres na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.
Very vocal ang ina ni Anne sa pagpapahayag ng kanyang bagong pag-ibig na madalas nitong i-share sa TikTok account niya.
Sa maiiksing caption at hashtags na kanyang ginagamit, naibabahagi ni Carmen ang ilang detalye ukol sa masaya niyang love life.
Nagpapakatotoo rin si Carmen na ang kanyang lovelife ay “May-December affair” at “LDR” o long-distance relationship.
Si Carmen ay nasa kanyang 60s, habang ang lalaki ay nasa kanyang early 40s, base sa TikTok account nito.
Si Carmen ay nakabase sa Australia, habang ang kanyang sinisinta ay nasa Dubai, UAE.
Matutukoy ring malaki ang kinalaman ng social media sa kanilang pag-iibigan.
Ngayong Christmas season ay magkasama ang dalawa nang tumulak ang lalaki sa Australia, kung saan nakabase si Carmen.
Ang kanilang term of endearment ay “ML” o My Love.
Noong November 14, 2022, kaarawan ni Carmen, ipinost niya ang isang TikTok dance kasama ang isang lalaki.
Bahagi ng kanyang caption: “Love is love with my love [TikTok account ng lalaki] #ML #maydecemberaffair #ldraustraliadubai”
Meron din itong caption na “love conquers all”
Pinangalanan niya ang lalaki bilang si “Jayde.”

Sa isa pang post, makikita na dumating sa Australia si Jayde at sinundo siya ni Carmen sa airport.
Base sa caption ni Carmen, one year na ang kanilang long-distance relationship bago sila nagkita noong November 2022.
Mahihinuha ring nakilala na si Jayde ng mga anak ni Carmen na si Jasmine at bunsong si Thomas.
Kasama rin nila ang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.
Caption ni Carmen (published as is): “A precious moments thank jas & jeff for the visit and off course my son thom.”
Dagdag niya: “At last they met my Antarticaman [Jayde]”
Pinasalamatan din niya sina Thom, Jasmine, at Jeff.

Carmen Ojales Curtis Smith (forefront) with daughter Jasmine and Carmen's boyfriend, Jayde.
Pagkatapos nito, mahihinuhang magkasama sina Carmen at Jayde na namasyal sa ilang lugar sa Australia.
May captions si Carmen na “Just love no hate” at “kiber ko ba” na posibleng pasaring sa mga pumupuna sa kanilang relasyon.
Aniya sa isa pang caption: “Just Love no hate be happy for us bocz there is no exact definite reason for love, Its just LOVE is LOVE”
Dugtong ni Carmen: “Love is love there is no age, gender, limits, boundaries, nor a perfect timing is just happen called love magic”

Sinegundahan naman ito ni Jayde sa isang TikTok video noong December 8, 2022.
Caption nito (published as is): “just love no hate we just inspired people to our love story that love always find way such as there is no age,gender,place,limits ,boundaries nor perfect timing!
“Bcoz love is love! So,be happy for us…”
