Malaking palaisipan pa rin sa netizens kung totoo nga bang hiwalay na ang magkasintahang Sofia Andres at Daniel Miranda.
Nagsimula ang haka-hakang may pinagdaraanan ang relasyon ng dalawa nang i-unfollow ni Sofia si Daniel sa Instagram.
Ngunit agad din niya itong finollow matapos pansinin ng mapanuring netizens ang pag-unfollow niya sa nobyo.
Read: ON THE ROCKS? Sofia Andres unfollows, then follows again Daniel Miranda on Instagram
Kapansin-pansin din noong December 25, 2022, na magkahiwalay nilang ipinagdiwang ang Pasko kasama ang kanilang unica hija na si Zoe Natalia Miranda.
At nito lamang January 1, 2023, sa Instagram post ni Sofia ay muling hindi nasilayan ng kanyang fans si Daniel.
Sa ini-upload kasing mga litrato ng aktres ay wala ni anino ni Daniel ang nakita.
Kasama ni Sophia sa pagsalubong ng bagong taon ang kanyang pamilya, kapatid, at anak na si Zoe.
Simpleng caption ni Sofia (published as is), “Happy New Year to all.”
Dahil dito, muli siyang pinutakti ng tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Daniel.
Sa comments section ng post ni Sofia ay bumaha ng mga komento galing sa kanilang mga tagahanga.
Marami sa netizens ang nagtatanong kung nasaan si Daniel at bakit hindi sila magkasama.
Diretsahang tanong ng isang netizen, “Bakit parang kulang, nasan na si kuya Daniel?”
Hinala pa ng isa, “Ayyyy sure na wala na…Xmas and new year no show si boy sa pictures ni girl….Sayang….Happy new year po.”
Malungkot na tanong ng isa pa, “Wala na po ba talaga kayo? Sad naman [cry emoji].”
Hirit ng isang fan, “Happy new year Sof and Zoe [heart emoji] hope will see your post with you hubby for Zoe po [pray emoji].”
Madamdaming komento pa ng isa, “Kawawa naman si Zoe kung ang pamilya niya ay broken. Please I hope you and Daniel will together again. Sayang na sayang, lovely couples pa naman kayo. Family is forever.”
Walang sinagot dito si Sofia.
November 2018 nang nagsimulang maugnay si Sofia kay Daniel.
Hanggang noong November 24, 2019 ay isinilang ni Sofia ang anak nila ni Daniel na si Zoe sa Sydney, Australia.
Samantala, sa ngayon ay wala pang direktang kumpirmasyon kung ano ang totoong estado ng relasyon nina Sofia at Daniel.