PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana on her broken self

Carla Abellana says she has turned into a "survivor."
by Rachelle Siazon
Published Jan 3, 2023
Carla Abellana
A year after breakup with husband Tom Rodriguez, Carla Abellana says she is now a "survivor" who is "slowly embracing grace."
PHOTO/S: @carlaangeline Instagram

Aminado si Carla Abellana na matindi ang pinagdaanan niyang pagsubok sa nagdaang taong 2022.

Hindi kaila ang kontrobersiyang bumalot sa short-lived marriage nila ni Tom Rodriguez, na kasintahan niya sa loob ng pitong taon.

Sa kanyang yearender Instagram post, ipinahiwatig ni Carla na unti-unting naghihilom ang mga sugat na dala ng nasirang relasyon at kung anupamang personal niyang isyu.

Sabi ng aktres sa caption, na may petsang December 31, 2022 (published as is): "This year i was forced to face the most broken and shattered version of myself.

"But also meet the survivor i had turned into, who is slowly embracing grace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa Instagram followers ni Carla ang nagpalakas sa kanyang loob at bumati sa kanya ng "happy new year." Waring masiglang tumugon naman ang aktres sa ilan sa mga ito.

CARLA ABELLANA AND TOM RODRIGUEZ'S BREAKUP

January 25, 2022 unang inulat ng PEP Troika ang balitang hiwalay na sina Carla at Tom na nag-unfollow at follow back sa isa't isa sa Instagram noon.

Marami ang lumabas na espekulasyon tungkol sa dahilan ng breakup ng dalawa, at isyung third party umano sa partido ni Tom ang isa sa lumabas na isyu.

Lalo iyong umugong nang i-like ni Carla ang ilang comments ng netizens na inaakusahang "cheater" si Tom.

Noong March 11, 2022, ang ama mismo ni Carla na si Rey "PJ" Abellana ang nagsiwalat na kusa raw umamin sa kanya si Tom na nagkaroon ito ng "one-night stand."

Pero binawi rin iyon ni Rey.

Sa panayam niya sa 24 Oras, March 15, 2022, sinabi ni Rey na "napa-shortcut" ang paliwanag niya tungkol sa marital issue ng mag-asawang Carla at Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin noon ni Rey na kung anuman ang isyu ng dalawa ay nais makipagbalikan ni Tom kay Carla.

CARLA AND TOM'S STATEMENTS

June 16, 2022, binasag ni Carla ang pananahimik sa isyu nang atakehin siya ng bashers.

Mabigat ang mga salitang binitiwan niya para ilarawan ang aniya'y "pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil" sa kanya ni Tom.

Lalo raw siyang nasaktan dahil pati pamilya niya ay nadamay sa isyu.

Kinabukasan, June 17, 2022, naglabas ng opisyal na pahayag si Tom tungkol sa breakup nila ni Carla.

Nilinaw niyang walang katotohanan ang espekulasyong pinagbuhatan niya ng kamay si Carla.

Pero liban sa pag-aming nagkulang siya bilang partner nang maubos ang pera dahil sa isang scam, tumanggi siyang idetalye pa kung bakit sila naghiwalay ni Carla.

Sinabi rin ni Tom noon ang desisyon niyang umuwi sa Amerika nang mapagtantong wala na siyang magagawa para maayos ang relasyon nila ng asawa. Bilang siya ay U.S. citizen, doon na rin daw siya nag-file ng divorce nila ni Carla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga sumunod na buwan, hiwalay na ipinagpatuloy nina Carla at Tom ang kani-kanilang buhay.

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 23, 2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A year after breakup with husband Tom Rodriguez, Carla Abellana says she is now a "survivor" who is "slowly embracing grace."
PHOTO/S: @carlaangeline Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results