Trending topic sa Twitter Philippines ngayong Miyerkules, January 4, 2023, ang pangalan ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Ito'y matapos umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang kanyang Facebook post, kaugnay sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season.

Ayon kay Donnalyn marami siyang kakilala na nalulungkot dahil magbabalik-trabaho na matapos magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.
Aniya, sa halip na malungkot dahil back to work na, dapat ay magpasalamat na mayroong trabahong babalikan.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?
"Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun."
Suwestiyon din niyang baguhin na ang mindset ngayong bagong taon.
Sabi ni Donnalyn: "Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet .
"Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! [heart emoji]."
NETIZENS REACT
Dahil dito, kaliwa't kanang komento at reaksiyon ang naglipana sa Twitter.
Maraming netizens ang nagsasabing "inconsiderate," "insensitive," at "toxic positivity" ang naging pahayag ni Donnalyn, lalo na't hindi raw nito ramdam ang pagbabalik-trabaho ng mga sumasahod ng minimum wage.
Dagdag pa raw sa pahirap ng mga ordinaryong Pilipino ang problema sa traffic at transportasyon.
Tweet ng isang netizen, "What Donnalyn fails to understand is that being poor and underpaid in this system that favors only the rich are time consuming and exhausting. Swerte mo sis kasi milyon milyon kinikita mo. There are people there who work harder than you but are not earning a living wage."
Saad pa ng isa, "Donnalyn, kung lahat kami successful vloggers at kumikita ng hundreds of thousands. Hindi pagod sa commutes, walang boss na mahirap pakisamahan, hindi underpaid, kulang sa tulog, walang kinakaltas na ninanakaw – magiging happy and grateful kami. For now, let us whine for f sake!"
Buwelta naman ng isang netizen, "It’s arrogant and privileged to tell wage earners and anyone trying to make a living to just be grateful and that their grievances is just a matter of not being grateful. That is their truth and should not be invalidated. Focus on yourself. Wag mo na pakialaman ung iba teh."
Tila may suhestiyon pa ang isa kay Donnalyn, "Mareng donnalyn hindi kita kilala personally pero try mo mag-commute araw-araw for work so pagod ka na tapos yung kikitain mo sakto lang for one cut-off at wala ka pang kahit anong insurance if anything untoward happens."
Bukod sa Twitter, pinutakti rin ng komento ang comments section ng post ni Donnalyn.
Ilan sa mga comment na mababasa rito ay may kinalaman sa karanasan ng mga Pilipinong manggagawa.
Narito ang ilan sa mga ito:





Hindi ito ang unang pagkakataong kinuyog ng netizens si Donnalyn.
Noong July 2022, pinuna siya dahil sa baby-themed photoshoot para sa kanya sanang 28th birthday.
Read: Donnalyn Bartolome apologizes for baby-themed photo shoot
