PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon says "sorry" amid cheating issue

Is McCoy de Leon confirming breakup with Elisse Joson?
by Rachelle Siazon
Published Jan 4, 2023
McCoy de Leon and Elisse Joson breakup rumor
McCoy de Leon issues cryptic apology on the day news came out that he and Elisse Joson have broken up due to alleged third party.
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram

Malaman ang one-liner na ipinost ni McCoy de Leon, 27, sa gitna ng balitang hiwalay na sila ni Elisse Joson, 26, dahil sa isyung third party.

Bandang alas siete ng gabi ngayong Miyerkules, January 4, 2023, nag-post si McCoy sa Instagram Story ng mensaheng "Sorry po pasensya na po sa lahat."

McCoy de Leon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Waring ito ang sagot ni McCoy sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon.

Nag-unfollow rin si McCoy sa ilang kakilalang nasa mundo ng showbiz.

Kagabi, January 3, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay McCoy via Instagram direct message, pero hindi pa ito sumasagot habang isinusulat ang artikulong ito.

Kahapon nag-viral sa social media ang litrato ni McCoy kasama ng isang non-showbiz girl na nauugnay sa kanya ngayon.

Wala pang direktang kumpirmasyon o pagtanggi si McCoy sa kasalukuyan.

Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?

Lumalabas namang may katotohanan ang espekulasyong break na sina McCoy at Elisse dahil sa open letter ni McCoy para sa anak nilang si Felize.

Base sa post niya sa Instagram, humingi siya ng pasensiya sa anak kung hindi na niya kinaya at nagsabing maging mabuting anak si Felize sa inang si Elisse.

Dahil bata pa ang anak, umaasa raw si McCoy na balang araw ay maiintindihan ng anak ang kung anumang nais niyang ikuwento rito. Kung iyon ay may kinalaman sa kinahinatnan ng relasyon nina McCoy at Elisse ay di naman na sinabi pa ng aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MCCOY DE LEON AND ELISSE JOSON LOVE STORY

Noong November 2021, masaya pang ikuwento ni McCoy sa PEP.ph ang love story nila ni Elisse.

Read: McCoy de Leon reveals details of reconciliation with Elisse Joson and their family of three

Nagkahulugan sila ng loob habang housemates sa Pinoy Big BrotherLucky 7 noong 2017, at doon nakilala ang tambalan nilang McLisse.

Pero nagkalabuan sila noong March 2018, at inamin nilang hiwalay na sila noong January 2019.

Inamin ni McCoy na sumuko siya noon sa dahilang lehitimo naman daw pero ayaw niyang idetalye kung ano.

Taong 2020 nang magbalikan sila matapos magkrus ang landas nila sa isang event, hanggang sa nabuntis si Elisse at nabiyayaan sila ng anak nilang si Felize noong 2021.

October 2021 nang isapubliko ng couple ang pagkakaroon nila ng anak.

Aminado si McCoy na hindi perpekto ang relasyon nila ni Elisse, pero desidido raw silang malampasan ang anumang pagsubok na madaanan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa nito ngang January 2023 ay pumutok ang isyung tila hiwalay ulit sila.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon issues cryptic apology on the day news came out that he and Elisse Joson have broken up due to alleged third party.
PHOTO/S: @mccoydeleon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results