PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon confirms breakup with Elisse

McCoy de Leon defends non-showbiz girl being linked to him.
by Rachelle Siazon
Published Jan 4, 2023
McLisse: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson
McCoy de Leon breaks silence on breakup with Elisse Joson (left) and defends non-showbiz girl Mary Joy Santiago (right) who's being accused as third party.
PHOTO/S: Joseph Pascual / CTTO

Kinumpirma ni McCoy de Leon, 27, na hiwalay na sila ng partner na si Elisse Joson, 26.

Ito ay makalipas ang higit dalawang taon mula nang magbalikan sila bandang mid-2020.

Naglabas si McCoy ng panibagong pahayag sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules ng gabi, January 4, 2023.

Ang sabi niya: "Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo."

Dinepensahan niya ang sarili sa kontrobersiyal na pagkakaugnay niya sa isang non-showbiz girl na tinukoy na si Mary Joy Santiago.

Sa mga salita ng aktor, ipinahiwatig niyang may iba umano silang isyu ni Elisse.

Ani McCoy, "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat ng problema kaya po ako sumuko."

Kasabay nito ay waring ipinagtanggol din ni McCoy ang babaeng nauugnay sa kanya, si Mary Joy.

May kumakalat kasing screenshots ng Facebook Messenger private chat na galing umano kay Mary Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita ritong nakipagsagutan ang isang "Mary Joy" sa isang netizen na inusisa siya tungkol sa ugnayan niya kay McCoy.

Sinabi rito ni "Mary Joy" na hindi siya "kabit" at "break" na umano sina McCoy at Elisse bago sila nagsimulang "mag-usap" ni McCoy.

Tila ito ang tinutukoy ni McCoy na "convo" na sinasabi niyang hindi totoo.

Pagdepensa ni McCoy kay Mary Joy, "Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit."

Nagdesisyon daw siyang basagin ang pananahimik sa ngalan ng anak nila ni Elisse na si Felize.

Ani McCoy, "Sana maintindihan niyo po ako. Ginagawa ko lang po to dahil mapakita ko lang sa anak ko na naipagtanggol kahit pa paano sarili ko.

"Uulitin ko po humihingi rin po ako ng pasensya sa inyo lahat."

MCCOY DE LEON AND ELISSE JOSON LOVE STORY

Noong November 2021, masaya pang ikinuwento ni McCoy sa PEP.ph ang love story nila ni Elisse.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: McCoy de Leon reveals details of reconciliation with Elisse Joson and their family of three

Nagkahulugan sila ng loob habang housemates sa Pinoy Big BrotherLucky 7 noong 2017, at doon nakilala ang tambalan nilang McLisse.

Pero nagkalabuan sila noong March 2018, at inamin nilang hiwalay na sila noong January 2019.

Inamin ni McCoy na sumuko siya noon sa dahilang lehitimo naman daw pero ayaw niyang idetalye kung ano.

Taong 2020 nang magbalikan sila matapos magkrus ang landas nila sa isang event, hanggang sa nabuntis si Elisse at nabiyayaan sila ng anak nilang si Felize noong 2021.

October 2021 nang isapubliko ng couple ang pagkakaroon nila ng anak.

Aminado si McCoy na hindi perpekto ang relasyon nila ni Elisse, pero desidido raw silang malampasan ang anumang pagsubok na madaanan nila.

Hanggang sa nito ngang January 2023 ay pumutok ang isyung tila hiwalay ulit sila.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon breaks silence on breakup with Elisse Joson (left) and defends non-showbiz girl Mary Joy Santiago (right) who's being accused as third party.
PHOTO/S: Joseph Pascual / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results