PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza on Donnalyn's Viral Statement

Kuya Kim: "Iba-iba ang blessings. Iba't iba din ang diskarte"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 5, 2023
Kuya Kim Atienza, Donnalyn Bartolome
Kuya Kim (left) on Donnalyn Bartolome's (right) viral back-to-work statement: "To do something you enjoy and get paid for it is a blessing. Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy. They are blessed differently naman...Iba-iba ang blessings. Iba't iba din ang diskarte sa iba't ibang break sa buhay."
PHOTO/S: Kuya Kim Atienza Facebook/Donnalyn Bartolome Instagram

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapuso TV host na si Kim Atienza tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ng vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome.

Nitong Miyerkules, January 4, 2023, trending na pinag-usapan ang Facebook post ni Donnalyn tungkol sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season.

Ayon kay Donnalyn, marami siyang kakilalang nalulungkot na back to work na matapos magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Aniya, ang mindset na ito ang dapat baguhin ngayong bagong taon.

Sa halip na malungkot ay dapat daw matuwa at magpasalamat dahil may trabaho ka pang babalikan.

Mababasa sa post ni Donnalyn (published as is): "Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?

"Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun.

"Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! [heart emoji]."

Read: Donnalyn Bartolome draws flak from netizens over "back to work" remarks

Dahil sa pahayag na ito, maraming netizens ang nadismaya at ang iba'y tinawag pang "inconsiderate," "insensitive," at tagapagpalaganap ng "toxic positivity" si Donnalyn.

Isa si Kuya Kim sa nagbigay ng reaksiyon at saloobin.

Ibinahagi nito ang post ni Donnalyn sa Facebook, at sa caption niya inihayag ang kanyang sentimyento.

Ayon sa 24 Oras trivia master, ang bawat isa ay magkakaiba ng blessings na natatanggap sa buhay.

Maaaring ang iba raw ay may trabaho nga ngunit hindi naman sila masaya rito, kaya sila nakakaramdam ng lungkot magbalik-trabaho.

Pagbabahagi ni Kuya Kim, "To do something you enjoy and get paid for it is a blessing.

"Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They are blessed differently naman.

"A good wife? Beautiful kids? Good health? Iba-iba ang blessings."

Dagdag pa niya, "Iba't iba din ang diskarte sa iba't ibang break sa buhay."

Nilinaw rin ni Kuya Kim na ang kanyang naturang post ay hindi naglalayong siraan o i-put down ang vlogger-singer.

Ito lamang daw ang nakikita niyang realidad na pinagdaraanan ng mga ordinaryong manggagawa.

Saad niya, "This post is not meant to put down Donnalyn in any way.

"She is coming from a good place.

"The post just hit a raw nerve on the majority of the working public.:

Dagdag pa ni Kuya Kim, "Mabait si Donnalyn."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ito ang unang pagkakataong kinuyog ng netizens si Donnalyn.

Noong July 2022, pinuna na rin siya dahil sa baby-themed photoshoot para sa kanya sanang 28th birthday.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuya Kim (left) on Donnalyn Bartolome's (right) viral back-to-work statement: "To do something you enjoy and get paid for it is a blessing. Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy. They are blessed differently naman...Iba-iba ang blessings. Iba't iba din ang diskarte sa iba't ibang break sa buhay."
PHOTO/S: Kuya Kim Atienza Facebook/Donnalyn Bartolome Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results