Very proud si Alex Gonzaga sa kapatid niyang si Toni Gonzaga na narating nito ang ika-20 anibersaryo sa showbiz.
Sino raw ba ang mag-aakalang kahit hindi sila mukhang artistahin ng kapatid ay napagtagumpayan nilang pasukin ang showbiz.
Miyerkules ng gabi, January 4, 2023, ibinahagi ni Alex sa kanyang social media accounts ang isang throwback photo na kuha raw sa photo studio sa isang mall na kanilang madalas binibisita noon.
Pagbabalik-tanaw ni Alex: “Hi ate, sino kaya makakapagisip sa atin nitong mga panahon na after school nagpapapicture tayo sa studio sa mall na aabot ka ng 20 years sa showbiz industry.
“Hindi man tayo mukang artistahin hihihihih pero dahil sa talent, galing, faith at pagpupurisigi nyo ng mga daddy naabot mo ang milestone na to.”
Ang isa pang larawan na ibinahagi niya ay ang poster para sa 20th anniversary concert ng kapatid na I Am… Toni.
Dagdag ni Alex, “We are sooo proud of you!! Magkikita kita tayo sa jan 20 sa araneta!!! Masaya to!!! See you all there! [hugging face emoji]
“ps: Walang magcocomment sa kilay ko dito hindi pa sya tumutubo dyan bata pa ih [smirking face emoji]”
View this post on Instagram
Ang I Am… Toni ay selebrasyon ni Toni ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.
Gaganapin ang anniversary concert ni Toni sa Araneta Coliseum sa mismong ika-39 kaarawan niya sa January 20, 2023.
Sabi ni Toni sa presscon para sa promo ng kanyang concert noong November 17, 2022, “It’s just a recollection of everything that happened in the 20 years. How I started, what happened in between, and where I am today.
“Parang it’s going to be a journey, yung concert. It’s more of a story of everything of my life.”
Read: Toni Gonzaga, may pa-concert sa 20th anniversary niya sa showbiz; deadma sa bashers
