May pahabol na selebrasyon sa pamilya ni Ogie Alcasid ngayong Bagong Taon.
Ipinost ni Ogie sa social media ang reunion niya kasama ang ex-wife na si Michelle van Eimeren at ang kanilang dalawang anak na sina Leila at Sarah.
Kasama rin sa picture ang current wife ni Ogie na si Regine Velasquez at anak nilang si Nate.
“After 3 long years, we are all together again. By God’s grace. #family,” caption ng singer-composer sa photo na ipinost niya sa Instagram at Facebook.
Lumalabas na bumisita sa Pilipinas si Michelle at anak nitong Sarah sa Pilipinas.
Si Michelle ay naka-base na sa Australia kasama ang anak na si Sarah, habang si Leila naman ay nagdesisyong manatili sa Pilipinas ilang taon na rin ang nakalilipas.
Muling ikinasal si Michelle sa Australian na si Mark Morrow noong 2009.
Ikinasal naman sina Regine at Ogie noong 2010.
ON BLENDED FAMILY
Noon lamang August 2022, ikinuwento ng Asia’s Songbird sa isang vlog na naging posible ang kanilang blended family dahil kay Michelle.
Read: Regine Velasquez credits Michelle van Eimeren for being "key" to their blended family
Inusisa sa vlog si Regine tungkol sa “ultimate number one factor” kung bakit naging posible ang kanilang family setup.
“Si Michelle,” sagot ni Regine.
“Dalawa. Si Michelle at si Ogie. Silang dalawa talaga.”
Masinsinan daw kinausap ni Ogie si Michelle.
Lahad ni Regine, “Maraming beses niyang kinausap si Michelle.
“Then finally, nung feeling niya puwede na akong ipasok, isinama niya ako sa Australia.
“Michelle and I were able to talk. Nag-iyakan. Walang panunumbat whatsoever.
“She accepted whatever it was that happened, and she even said it was not about me, it was between the two of them."
