Dinepensahan ni Donnalyn Bartolome ang sarili laban sa netizens na pumupuna sa kanyang viral na pahayag hinggil sa pagbabalik-trabaho.
Sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post nitong Huwebes, January 5, 2023, idinetalye ni Donnalyn ang mga pinagdaanan niya sa buhay bago marating ang tinatamasa ngayong tagumpay.
Ayon kasi sa netizens na na-offend sa naging pahayag ni Donnalyn noong January 3, 2023, madali lang sabihin sa iba na maging masaya sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season dahil hindi naman daw nila nararanasan ang paghihirap ng mga ordinaryong manggagawa.
Read: Donnalyn Bartolome draws flak from netizens over "back to work" remarks
Idiniin din ng netizens ang iba’t ibang problemang kinahaharap ng Filipino workers, tulad ng problema sa transportasyon, mababang pasahod, at toxic work place, kung kaya’t ang iba raw ay nalulungkot sa pagtatapos ng mahaba-habang bakasyon.
Buwelta naman ni Donnalyn, ang lahat ng ito ay kanya ring pinagdaaanan at nalagpasan sa pamamagitan ng pagiging positibo sa buhay.
Kalakip ang ilan sa kanyang lumang litrato at screenshots, nais daw patunayan ng vlogger-singer na nagmula rin siya sa pagiging mahirap.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): “Hey, thanks to everyone who didn’t take my post negatively.
“I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience…hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo.
“Mali pala yun.. okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo.
“Dahil achievements lang ang pinopost ko at hindi masyado yung hirap, though minemention ko yun sa vlog ko from time to time, I just don’t dwell kasi baka maging dark masyado, so dahil ganun nga, ang dating talaga is wala akong karapatan magsalita.
“Nakaka-baffle nga naman yung mga taong sobrang positive kasi parang wala silang dinadala, pero I realized matinding defense mechanism na pala nabuild ko.
“Ang piliing maging masaya. Ang piliing maging masaya, kahit ang hirap hirap na.
“Sa lahat ng nasaktan, gusto ko malaman mo pinagdaanan ko rin mga sinasabi niyo, God knows.
“Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition, sa bahay, at bills.
“Naranasan kong wala nang trabaho kaya siguro sobra ko pahalagahan.. naranasan ko magcommute sa Bus, MRT, Jeep, FX, Tricycle.. yung pila, siksikan, init.. alam ko talaga.”
“IT’S WHAT GOT ME TO WHERE I AM”
Ang pagiging positibo sa buhay — na namana raw niya sa kanyang lolo na janitor at nanay na tindera ng babana cue — ang nagturo kay Donnalyn na patuloy na lumaban at maging mas matapang.
Lahad ni Donnalyn, “Pero siguro sa pagpapalaki talaga sa akin [ang dahilan] kung bakit ako ganito.
“Janitor ang lolo ko noon, sasakay kami sa bus.. walang bahid na reklamo sa init at pagod kaya na-adapt ko siguro?
“Nakapagpatapos siya ng tatlong anak, wala talagang negative na lumabas sa bibig niya tungkol sa trabaho niya, proud pa siya dala-dala niya pa apo niya sa pagja-janitor.
“Men baka kaya magaling ako mag-mop cause I got it from my lolo?
“Inaaliw niya ako sa pagpagpailaw niya ng bulb gamit ang pinagdikit niyang wire at isang pirasong battery.
“Kala ko talaga magikero lolo ko noon. Ang galing lang pala niya magdala, positivity lang talaga tinuro niya sa akin.
“Sa ganun kasimple amazed na ako. Dagdag mo pa mommy ko na nagbebenta lang noon ng Banana Q sa kalsada pero wala talagang bahid na reklamo, pag kinukwento nila ang mga times sa buhay nilang yon, puro saya.. puro gratefulness.
“Dinala ko hanggang sa paglaki ko. I clinged to it. Kaya when it was time for me to work, nung tinuruan akong tumayo sa sarili kong paa nang walang tulong, pag may struggles, ang hirap magreklamo.
“Nahihiya ako sa pinanggalingan ng lolo ko, ng mommy ko.. ng dad ko. Hindi ko pinagsisisihan na kinapitan ko yun.”
Dagdag pa niya, “It’s what got me to where I am.”
“I ADMITTED MALI ANG CHOICE OF WORDS KO”
Sa huli, inamin ni Donnalyn na maaaring may mali siya sa paggamit ng mga salita sa kanyang naunang post.
Sincere din daw siyang humihingi ng tawad sa mga nasaktan at na-offend sa kanyang naging pahayag.
Sabi ni Donnalyn, “Sa di tatapos ng post, I admitted mali ang choice of words ko.
“I’m only sharing these experiences in hopes to show sincerity of me admitting that error and not just to save face, kasi like all of you may pinagdaanan din ako so last thing I’d want to do is hurt any of you.
“Madali mag sorry pero how do you know the person really meant no harm? Pag nakilala mo siyang konti.
“That is the purpose of this post.”
“OO NAGKAMALI AKO, MALI MAN WORDINGS PERO YUNG INTENTION KO DUN MALINIS”
Isa pang komento ng netizen ang hindi napigilang palagan ni Donnalyn.
Ayon sa comment ng netizen, ginagamit lang daw ni Donnalyn ang pagiging laki sa hirap para sa “clout.”
Mababasang comment nito (published as is): “She was not even poor, she just choose to live in the Philippines from the US because she wanted to do her own thing, yun bang “kailangan kong pag-igihan to or else pababalilkin ako sa America” kind.
“Kahit ano pang sabihin niyang “naghirap” din siya dati, she would never understand the struggles of real “poor” people and breadwinners.
“She mainly using her brief “stint” of being poor to justify her poverty porn and thirst for clout.”
Dahil dito, hindi rin nagdalawang-isip si Donnalyn na kuwestyunin ang totoong pakay ng netizen na nagkomento sa kanya matapos niyang humingi ng tawad.
Buwelta ni Donnalyn: “Nagpakumbaba ako sa lahat pero hindi sayo. Ang talino mo eh.
“Gawin na natin tong national issue cause on a deeper level, it actually is. How connected OFWs and POVERTY is.
“Ina-admit ko nang mali ako, di ka pa rin solve. Nagshare ako ng struggles hoping marealize nila sincere ang pag-admit ko sa wrong words I used, na di ko mean manakit kasi naghirap din kami kaya bakit ko gagawin yun?
“Alam mo ba buhay ng pamilya ko sa States? Imaginin mo Pinoy ka pero nag migrate ka kasi mahirap nga buhay dito sa Pilipinas. Sino nga naman gusto malayo sa pamilya? Diba nagsisi-alisan professionals natin?
“Isa nanay ko sa Filipino na nakipagsapalaran sa ibang bansa para sa buong angkan yata niya, jusko awang-awa na ako. May underlying issues dito.
“Kagabi nagpost ako, may kasama don na babies na nasa poor living condition, kami yun ng kapatid ko, pruwebang hindi ako nagsisinungaling *nakapag-abroad nanay mo mas mahirap pa din pinagdaanan ng iba.*
"Oh akala ko ba walang invalidatan ng feelings? Ginagawa mo ang ayaw mo gawin sayo?
“Ano ang akala mo sa mga nabubuhay sa states pasarap? Halika sumama ka maghugas ng pwet araw-araw ng mga bata, yung tipong napakadami mong batang inaalagaan tapos hindi mo pa anaaaaak!
“Maglinis ng inidoro na hindi naman inyoooo! Magbuhat ng mabigat HANGGANG SA MAGKASAKIT KAAA!!
“Kung ano anong trabaho [ang] pinasok ng nanay ko kasi padala siya nang padala sa nanay niya, kapatid, mga pinsan niya, mga kapatid ng nanay niya pati sa hindi niya ka-anu-ano.”
Sinariwa rin ni Donnalyn ang mapait na karanasan na kanilang pinagdaanan.
Aniya, “Kami magkapatid naiwan sa Pinas puro childhood trauma sa mga yaya na sinusungalngal ng toothbrush yung 5 year-old na kapatid ko hanggang sa sumuka na ng dugo.
“GHING DI KITA MAKAKALIMUTAN H*Y*P KA. Wag na natin simulan sa mga manyak na umaligid samin at sinako kami at nilagay sa mga antik na langgam.
“Kaming mga bata ang nagbayad sa oras na wala sa piling namin ang aming ina bago niya kami nakuha.
“Kaya kung umuwi ako ng Pinas para magtrabaho sa nakitaan ko ng opportunidad, para yun makatulong at tumigil na nanay ko magtrabaho dahil may apat pang maliliit nung time na yun.”
Ang kanyang mga naranasan ang naging daan daw ni Donnalyn para taasan pa ang pangarap.
Sabi niya, ”Kaya tinaasan ko pangarap ko para hindi na maranasan ng mga kapatid ko yung sa aming dalawang nauna ipanganak.
“Para maranasan nila gabi-gabi ang yakap ng ina at protection ng ama.
“Wag na rin kayong magtaka kung bakit hanggang ngayon wala akong anak. Kulang nalang tahiin ko to kasi gusto ko mauna munang umayos buhay ng pamilya ko bago magsimula ng akin.
“Kaya nasobrahan na ako sa positivity na defense mechanism dahil sa hirap ng buhay noon, pati nga din ngayon.
“Wired na brain ko na sa sobrang screwed up, ang iniisip ko lang masaya may work. Hindi connected at all sa reasons na sinasabi niyo sa pagiging sad. Just WORK.
“Di na uminda, survival mode na kasi kailangan magpadala para sa pangangailangan.
"Sumingaw yung ginagawa kong pang-aabuso sa sarili ko sa trabaho to the point na toxic positivity na nabuild ko from being underprivileged noon.
“Kaya ako nagka-error. Sobra sobra ako magpasalamat sa trabaho kasi wala ako noong trabaho. Nga nga.”
Hinamon din ni Donnalyn ang nasabing netizen na ngayon nito sabihin na hindi siya dumaan sa hirap.
Hamon ng vlogger: “Ngayon mo sabihing hindi ko alam ang real struggle ng poor. Ngayon mo panoorin ang Kanto birthday party ko at husgahan mo.
“May period man na rumangya buhay namin nung kinuha kami, hindi agad-agad at dahil yun sa OFW mga magulang ko pero di ko ginawang fall back yun.
“Hindi ako umasa, lalong lalo na pagtungtong ko ng 18. Binabalik ko pa sakanila ang binibigay nila.
“Ganyan ba gagawin mo sa magulang mo? Fallback? Nakakaawa, hindi ko kaya.
“Oo nagkamali ako, mali man wordings pero yung intention ko dun malinis.
“Maglift ng spirit, namali lang ng salita, hindi sinadyang mang-invalidate.
“Sayo dito sa comment? SADYA. NAPAKADUMI. NAPAKASAMA. Walang intensyon kundi manghila pababa.”
Read: Kim Atienza reacts to Donnalyn Bartolome's viral "back to work" statement
