PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon

Carlo Aquino reacts to criticisms surrounding his love life.
by Rachelle Siazon
Published Jan 6, 2023
Carlo Aquino and Charlie Dizon
Carlo Aquino on fellow Kapamilya star Charlie Dizon: "I'm getting to know more about her... Nagkikita-kita kami, lumalabas."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / HALO HALO DE ILOKO LA UNION ON FACEBOOK

Inamin ni Carlo Aquino, 37, na nasa dating stage sila ni Charlie Dizon, 26.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo tungkol sa mga lumabas na litrato nila ni Charlie sa La Union.

Bago iyon ay mismong si Charlie ang nag-post ng group photo kunsaan magkaangkla ang kamay nila ni Carlo.

Sinabi naman ni Carlo na totoong kinikilala niya si Charlie nang higit sa pagiging kaibigan at co-star sa pelikulang Love On A Budget.

"I'm getting to know more about her," pag-amin ni Carlo.

"Kasi nagkasama rin kami sa U.S. tour for Star Magic. So, nakilala ko siya dun.

"Actually, prior to that, magkasama pa kami sa A Soldier's Heart, so yun.

"Mas naging okay kami sa U.S. until now. Nagkikita-kita kami, lumalabas."

Naganap ang Star Magic U.S. tour noong August 2022, habang ang A Soldier's Heart ay umere noong January-September 2020.

Isang taon nang single si Carlo, at aminado siyang masaya ang "puso" at "isip" niya sa pagpasok ng taong 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito ay hindi kailang umaani ng batikos si Carlo dahil sa mga isyung may kinalaman sa kanyang personal na buhay.

Isa na rito ang kritisismo sa balitang nagkakahulugan sila ng loob ni Charlie, at ang hiwalay na balita tungkol sa maanghang na patama sa kanya ng dating partner na si Trina Candaza.

Hindi na ito direktang natanong kay Carlo.

Pero pagdating sa bashers, aminado si Carlo na meron at merong huhusga sa kanya kahit na wala raw alam ang iba sa kung ano ang pinanggagalingan niya at tunay na nangyayari sa kanya.

Sabi ni Carlo sa PEP.ph, "Yung hate and yung bashing na nanggagaling sa labas, yung judgment, hindi mawawala yun.

"Yung mga taong nasa labas ng circle ko, may karapatan sila to their own opinion, yung mga ganyan.

"Pero if it's not coming from my inner circle, na hindi nagmamahal sa akin, hindi ko pinapanasin."

Hindi na raw para ipaliwanag ang panig niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi alam ng mga importanteng tao sa akin na maayos ako," mahinahong saad ni Carlo.

Dagdag niya, "At the end of the day, yung peace of mind ang importante. Kasi pag may toxicity sa buhay, nade-derail ka.

"As much as possible, kung kaya mo maging positive, dun lang puntahan mo."

Nakapanayam ng PEP.ph si Carlo pagkatapos ng presscon para sa partnership ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at MavX Productions, isang independent film company, ngayong Biyernes, January 6, 2023.

Inilunsad dito ang opening salvo films na iprinodyus ng MavX at pinagbidahan ng Star Magic stars—ang I Love Lizzy, Swing, at Unravel.

"HINDI LAHAT NG NANG-IIWAN hindi nasasaktan"

Pero sa presscon proper pa lang ay malaman ang sagot ni Carlo nang tanungin tungkol sa mga hugot line niya sa pelikulang I Love Lizzy kunsaan katambal niya si Barbie Imperial.

Tanong ng PEP.ph: Ano ang pinakatumatak na linya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Carlo, "May isang line dun pinag-discuss namin ni Direk. May line dun [yung character ko], 'Hindi lahat ng nang-iiwan hindi nasasaktan.' Iba yung nasa script, pero pinalitan nun."

Espesyal para kay Carlo ang pelikulang I Love Lizzy kunsaan gumanap siya bilang isang seminarista na masusubok kung ano ang calling sa buhay nang mahulog ang loob sa isang babaeng nakilala niya habang siya ay nakabakasyon.

"Lahat tayo may pagdadaanan sa buhay na makakapag-shake ng faith mo. Tapos ayaw mo na magdasal.

"Feeling mo di ka favorite ng Panginoon. Pero lalabas sa character yung kaya mong lumaban, kumbaga, nagshe-shake yung faith mo pero mas lalo ka kumakapit sa Kanya."

Mapapanood ang I Love Lizzy sa mga sinehan simula sa January 18, 2023.

CARLO TO START shooting for international film

Sa January 12, 2023 ay sasabak si Carlo sa shooting ng first international film na pagbibidahan niya, na iproprodyus ng Japanese film company na 034 Productions at local film company na High Roads Creatives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kaunting scenes na kukunan dito sa Manila bago siya magtungo sa Japan sa linggo ring iyon.

Napapangiti na lang si Carlo dahil mula noong 2022 ay madalas din siyang nasa biyahe para sa trabaho, pero nagpapasalamat daw siya sa mga oportunidad na natatamasa niya sa karera niya ngayon.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on fellow Kapamilya star Charlie Dizon: "I'm getting to know more about her... Nagkikita-kita kami, lumalabas."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / HALO HALO DE ILOKO LA UNION ON FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results