Naantig ang maraming netizens sa kabutihang ipinamalas ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.
Ito'y matapos niyang kupkupin ang isang ligaw at pagala-galang pusa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Read: Jodi Sta. Maria wins Best Actress at Asian Academy Creative Awards 2022
Sa sunud-sunod na tweets ni Jodi kahapon, January 5, 2023, ikinuwento niya kung paano napasakamay ang pusang pinangalanan niyang Naia (pronounced as Naya).
Ayon kay Jodi, napansin niya si Naia na ngumingiyaw sa airport. Pakiramdam daw niya ay humihingi ito ng tulong at pagkain sa mga pasaherong dinadaan-daanan lang siya.
Mababasa sa tweet ng aktres (published as is), "Poor kitty now has a new home. Found this kitten at the airport.
"She kept meowing as if asking for humans to feed and help her.
"It was raining too so she must have been cold. Kawawa coz nababangga siya ng cart ng passengers."
Kuwento pa ni Jodi, nagawa pa siyang bulyawan ng isang pasahero nang akma niyang pigilan ang mga dumadaan na banggain ang pusa.
Lahad ni Jodi, "Napagalitan pa ako ng isang pasahero kasi pinigilan ko yung cart niya kasi nga madadaanan yung kuting.
"But I super understand naman kasi everyone was rushing to get home from their flights.
"Sabi ko lang 'Manong pasensya na po may pusa po kasi.' Then he told me 'wag niyo kasing iwan kung saan-saan alaga niyo,' then he stormed off.
"In my head, hindi ko siya alaga…magiging alaga palang.
"So I got her, took her home and named her Naia, pronounced as Na-ya kasi sa NAIA Terminal 1 ko siya nakuha."
NETIZENS REACT
Dahil dito, maraming netizens, pet lovers, at furparents ang naantig at bumilib kay Jodi.
Sa comments section ng kanyang tweet ay bumuhos ang pagbati at pagsaludo sa ginawa niya.
Comment ng isang netizen, "You're safe and in good hands now, Naia. Thank you for what you did, Ate Jods. Grabe nakakatunaw ng puso to know the story, God bless you more po."
Sabi naman ng isa, "Thank you for saving her Jodi! Can't express how grateful all the private cat rescuers are whenever one stray cat gets taken into their forever home. Naia will give you all her love for the rest of her life."
Komento pa ng isa, "Thank you for saving Naia. Sana dumami pa katulad mo na may mabuting puso sa mga stray animals."
Siniguro rin ni Jodi sa kanyang followers na nasa mabuting kalagayan si Naia matapos niya itong iuwi.
Sa kanyang bagong tweet ngayong araw, January 6, 2023, ipinakita niya na unti-unti nang bumabalik ang sigla si Naia.
Tweet ni Jodi, "Good morning furparents! For those asking for an update about Naia, it’s Day 1 for her.
"Malakas na kumain compared to when I got her yesterday. She likes to sleep inside this mineral water carton so nilagyan nalang namin ng mat. Today is vet day for her.
"Meanwhile…at the vet…Naia is a male domestic shorthair (all the while I thought he’s a she).
"He was dewormed, cleaned, had his nails trimmed, and was given vitamins and meds.
Ibinahagi rin ni Jodi sa kanyang Instagram ang ilang litratong kuha sa kanilang kauna-unahang vet day ng bagong alagang pusa.
