Tila mas lumalalim ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Zanjoe Marudo, 40, at Ria Atayde, 30.
Sa yearender Instagram post ni Ria, ipinasilip niya ang ilang sweet moments nila ni Zanjoe.
Magkasama sila mula sa mga bakasyon nila sa El Nido at Japan kasama ng barkada, hanggang sa get-together ng pamilya Atayde.
Magkasama silang nanood ng Eraserheads Homecoming Concert noong December 22, 2022, at may kuha silang nakaakbay si Zanjoe kay Ria.

Pareho silang nakasuot ng Eraserheads T-shirt.

Magkaakbay rin sila sa litratong ito na kuha sa isang out-of-town trip.

Mahihinuhang magkasundo sila sa hilig sa pag-travel.

Cute din ang moment nila sa beach na kuha sa El Nido, Palawan.

Kilig ang sweet gestures ni Zanjoe kay Ria gaya ng pose niya rito sa group photo nila sa Japan noong Halloween vacation.

Mayroon silang common barkada at magkakasama silang nag-Christmas party with matching parlor games.

Mahihinuhang seryoso si Zanjoe sa pagkilala kay Ria dahil kasama ito sa bonding ng pamilya Atayde.
Isa sa mga ibinahaging pictures ni Ria ay makikitang nasa isang restaurant sila ni Zanjoe kasama ang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Arthur Atayde.
Naroon din ang kapatid ni Ria na si Arjo Atayde at fiancée nitong si Maine Mendoza.

Noong October 2022, ang ina mismo ni Ria na si Sylvia Sanchez ang nagsapubliko na "dating" ang relationship status nina Ria at Zanjoe.
Bukas si Sylvia sa pagsasabing boto siya kay Zanjoe para kay Ria dahil nakikita niyang mabait ang aktor.
Si Joshua Garcia naman ang unang nagsapubliko ng litrato ng dalawa na kuha sa Tokyo, Japan.
RELATED STORIES:
