Kinaaliwan ng maraming netizens ang latest Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa Instagram nitong Huwebes, January 5, 2023, ibinahagi ni Pia ang ilang kuhang litrato mula sa kanilang date ng fiancé na si Jeremy Jauncey.
Read: Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey are engaged
Sa unang picture, makikita ang kamay nina Pia at Jeremy na may hawak na baso ng beer.
Naka-pin pa sa location ng kanyang post ang The Fife Arms—isang 5-star hotel sa United Kingdom.
Tila rito rin naka-check-in ang dalawa dahil kasama rin sa mga litrato na ipinost ni Pia ang kuwarto na kanilang tinutuluyan.
Bukod sa sweet nilang date, kapansin-pansin din ang witty at nakakatawang caption ni Pia.
Mababasa kasi sa kanyang caption (published as is), "Some beer… Some haggis… Some haggisan sa bed… wait wait? [shocked emoji]
"Charot lang [face with tongue emoji]. Had the most epic start of the year at @thefifearms."
Karamihan sa kanyang fans ay hindi inaasahan ang pagiging funny umano ng beauty queen.
Umani rin ng mga nakakatawang komento ang kanyang post.
Comment ng isang netizen, "Haha! The caption! Ready ka na talaga sa more mature roles, mars!"
Tanong pa ng isa, "Hoy!! Pia, bakit may hagisan? Hahaha lol. sana all hinahagis."
Na agad namang nireplayan ni Pia.
Depensa niyang sagot, "Pillow fight, hagisan ng unan diba? Kayo naman [laugh emoji]."
Saad naman ng isa, "Winner yung caption, pero Queen P, gising pa po ang mga bata."
Hirit pa ng isa, "Talaga ba Pia? Sanaol hinahagis sa bed. Pinamukha mo na naman sa amin na single kami."
Read: Pia Wurtzbach on relationship with Jeremy Jauncey: “I feel so safe in the relationship.”
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa Scotland sa United Kingdom pa rin si Pia.
Dito siya nagdiwang ng bagong taon kasama ang kanyang nobyo at ang pamilya nito.
Read: Pia Wurtzbach on finishing New York Marathon: "Best run of my life."
READ MORE:
- Donnalyn Bartolome defends herself after viral "back to work" statement; apologizes for wrong choice of words
- Jodi Sta. Maria melts netizens' hearts for rescuing stray cat at NAIA
- Jon Lucas, Macoy Dubs post hilarious response to netizens who ask about McCoy-Elisse breakup
- Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon
- Mary Joy Santiago, alleged third party in McLisse breakup, signs up with Viva
