Jolina Magdangal mistaken as cabin attendant by luxury liner's foreign guests

by Nora Calderon
Apr 12, 2008
“Ayaw po nilang maniwala na shooting iyon ng movie naming I.T.A.L.Y. Pero nag-sorry naman po sila sa akin nang malaman nilang totoo palang shooting iyon at nanood na rin sila,” relates Jolina Magdangal in her text message to PEP about an incident while shooting I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).


Nakatanggap ng e-mails ang PEP (Philippine Entertainment Portal) from GMA Films project coordinator Noel Ferrrer, Daddy Jun Magdangal at boyfriend ni Jolina Magdangal na si Bebong Munoz. Updates ng I .T.A.L.Y. (I Trust And I Love You) at photos ang laman ng e-mail.

Nakakatuwa naman ang text ni Jolina Magdangal sa PEP habang nagku-cruise sila aboard the luxury liner Costa Magica, from Marseilles, France to Barcelona, Spain. Inutus-utusan daw siya ng mga tourist sa barko.

"Napagkamalan po nila akong cabin attendant," text ni Jolens. "Nagsu-shoot po kasi kami kaya naka-uniform ako. Ayaw po nilang maniwala na shooting iyon ng movie naming I.T.A.L.Y. Pero nag-sorry naman po sila sa akin nang malaman nilang totoo palang shooting iyon at nanood na rin sila."

Hindi na raw malilimutan ni Jolina ang shooting na iyon. Bukod sa first time niyang nag-cruise, naka-bonding niya ang mga co-GMA stars niyang sina Dennis Trillo, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Mark Herras, at ang Kapamilyang si Eugene Domingo na nakasama na rin niya noong nasa ABS-CBN pa siya.

Continue reading below ↓

Gusto rin niyang balikan ang Venice dahil napaka-romantic daw ng place. Sa Venice daw sila nag-shoot ng eksenang naka-wedding gown siya at sumakay pa sa gondola. Sa pagbalik niya sa Venice, kasama na niya ang boyfriend na si Bebong. Dahil nang mag-shoot daw siya roon, nasa Milan pa si Bebong, kasama nina Dennis, Rufa Mae, Eugene, Rhian, at Mark.

Ang bait-bait din daw ng cruise captain nilang si Captain Frank na noong Italian talent night, kinantahan sila nito at ng crew ng "O Solo Mio." Si Mark naman ay naki-join sa pagsayaw ng "Volare" with the crew. Pinalakpakan din ng mga turista ang pagkanta ni Rufa Mae ng paboritong song nito na "Ocean Deep" at ang heartfelt rendition ni Jolina ng "Will of the Wind."

"Pabalik na po ang cruise at babalik kami muli sa Savona in Italy. From there, magba-bus na po kami for Milan, then sasakay na kami ng airplane for Amsterdam, and then flight back to Manila na kami. Kailangan ko na pong bumalik dahil magla-live na kami sa Pinoy Idol.

Continue reading below ↓

Text naman ni Noel: "Nandiyan na si Rufa Mae sa Pilipinas ngayong hapon, hahabulin niya kasi ang Showbiz Central tomorrow, may TV coverage ang pagdating niya at ipalalabas tomorrow sa show plus ang mga initial shots namin dito ng movie. Miss na rin namin ang Pilipinas, kaya sa Tuesday, sabay-sabay na kaming babalik nina Jolina, Eugene, Rhian at Mark. Maiiwanan pa sina Direk Mark Reyes at Dennis Trillo, with his manager Popoy Caritativo. Pag-dock ng barko sa Rome, magsu-shooting pa roon ng mga additional scenes si Dennis.

"Pagbalik namin diyan, tuluy-tuloy pa rin ang shooting namin dahil may mga eksena pang makakasama sina Aljur Abrenica at Edgar Allan Guzman at ilan pang talents ng GMA Network."

Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ayaw po nilang maniwala na shooting iyon ng movie naming I.T.A.L.Y. Pero nag-sorry naman po sila sa akin nang malaman nilang totoo palang shooting iyon at nanood na rin sila,” relates Jolina Magdangal in her text message to PEP about an incident while shooting I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results