PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matet de Leon reconciles with adoptive mother Nora Aunor

"I think I spoke too soon when I said I didn't want to talk to her anymore..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 8, 2023
Matet de Leon reconciles with Nora Aunor
Matet de Leon on status of relationship with adoptive mother Nora Aunor: "Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na. I think I spoke too soon when I said I didn't want to talk to her anymore...[siguro nasabi ko yun] out of anger."
PHOTO/S: Matet de Leon Instagram/Screengrab @John Rendez YouTube

Nagkaayos na ang mag-inang sina Nora Aunor at Matet de Leon.

Kinumpirma ito mismo ni Matet sa kanyang YouTube live kahapon, January 7, 2023, kasama ang kanyang asawa na si Mickey Estrada.

Bago matapos ang 2022 ay nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa matapos kumpitensiyahin umano ni Nora ang gourmet tuyo at tinapa business ni Matet.

Read: TUYO WARS? Matet de Leon calls out mother Nora Aunor for directly competing with her gourmet tuyo business

Pagbabahagi ni Matet sa kanyang YouTube live, "May gusto akong sabihin din sa kanila [viewers] bukod sa episode ko na Dear Mars.

"Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na.

"Nakita na nila, e, nag-upload na ng video si Kuya John."

Ang tinutukoy ni Matet ay ang vlog sa YouTube na ii-upload ng singer-rapper at longtime companion ni Nora na si John Rendez nang magdiwang ito ng kaarawan kung saan imbitado si Matet.

Sabi pa ni Matet, "I think I spoke too soon when I said I didn't want to talk to her anymore...[siguro nasabi ko yun] out of anger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"See what anger can do?"

Na agad namang sinang-ayunan ng kanyang mister.

Pagtatanggol ni Mickey, "Siguro nasabi mo yun dahil sa frustrations, anger, and gulat.

"Pero nag-usap naman sila ni Mommy noong araw na yun mismo.

"Pero ayun nga, tao lang tayo."

Read: Matet de Leon deeply hurt by adoptive mother Nora Aunor's "betrayal": "Ang lakas makaampon nung ginawa nila."

"HINDI KO PALA KAYA"

Kuwento ni Matet, si Nora ang unang lumapit sa kanya para makipag-ayos.

Lahad niya, "Nag-chat sa akin si Mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana, kasi bagong taon, kalimutan na natin yung mga nangyari nitong nakaraan.

"Who am I not say yes to that and [not] to agree with her?

"Sino ako? Wala... ang Diyos nga nagpapatawad."

Aminado si Matet na mali siya noong sinabi niyang hindi na niya kailanman kakausapin pa ang ina.

"Ang mali ko doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Matet de Leon on rift with adoptive mother Nora Aunor: "Hindi ko na siya kakausapin ulit."

Dinipensahan din ni Matet ang sarili laban sa bashers na nagsasabing ginawa lang nilang mag-away dahil sa "gimmick."

Aniya, "Maaaring sabihin ng tao na gumimik lang kami [ni Mommy], definitely not true.

"Lahat ng mga tao na nakatrabaho ko at naging kaibigan ko at kilala ako, alam na alam nila na hinding-hindi ko gagawin yan.

"Kami po ay mga tindero't tindera [na nagkaalitan], simple lang kami.

"Isipin din natin may edad na si Mommy. Hindi na namin papatagalin yun.

"Siya na mismo ang nag-chat sa akin, okay na ako."

AFFECTED BY BASHERS

Inamin din ni Matet na dahil sa pamba-bash sa kanya ay muntik na siyang bumigay at masiraaan umano ng bait.

Isa raw sa mga natutunan niya sa kanilang pinagdaanan ay huwag nang pansinin pa ang mga sinasabi ng iba.

Aniya, "Ang laki ng nagawa sa akin ng pangba-bash nila. Muntik niyo sirain ulo ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero ayun nga, ang natutunan ko, siguro not to care about other people will say too much.

"Don't read comments na lang and focus on the good, yung tama na puwede ding mangyari at hindi yung kamalian na sinasabi ng ibang tao.

"Normal naman sa pamilya ang magkatampuhan, sa ngayon masaya na kami, masaya na lahat.

"Ang mahalaga, nagkausap na kami, nagkaintindihan na kaming dalawa."

FORGIVENESS

Labis-labis din ang pasasalamat ni Matet sa Diyos na hindi raw nito pinabayaan na masira nang tuluyan ang relasyon nila ng ina.

Payapa na raw ang kanyang puso't isipan na ngayon ay ayos na sila ng pinakamamahal na Mommy Guy.

"Si Mommy, makakatulog na nang maayos kasi wala nang galit sa kanya na anak niya.

"Ako rin, makakapag-focus na ako ulit sa ibang bagay.

"Kaya maraming salamat sa Panginoon, kasi kumbaga nilagay nnya sa puso namin ni Mommy [yung pagpapatawad]."

Bago pa mag-Pasko ay balak na raw talagang kausapin ni Matet ang ina para sana makipag-ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya, "Bago mag-Christmas, I wanted to send mommy a message na maayos na, pero nauna si Mommy na mag-chat sa akin.

"I think that's God's way para maging maayos ang lahat.

"Nagkaroon ng kapatawaran at kalinawan ang lahat. Okay na po [kami]."

Si Matet ay isa sa apat na adopted children ni Nora. Ang iba pang mga ampon ng National Artist at Superstar ay sina Lotlot de Leon, Kiko de Leon, at Kenneth de Leon.

Ang nag-iisang biological child ni Nora ay si Ian de Leon, na anak niya sa dating asawa na si Christopher de Leon.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon on status of relationship with adoptive mother Nora Aunor: "Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na. I think I spoke too soon when I said I didn't want to talk to her anymore...[siguro nasabi ko yun] out of anger."
PHOTO/S: Matet de Leon Instagram/Screengrab @John Rendez YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results