Bukas si Sylvia Sanchez sa pagsasabing maligaya siyang makitang blooming ang love life ng mga anak niyang sina Ria at Arjo Atayde.
Si Arjo ay engaged kay Maine Mendoza mula noong July 29, 2022, at nagkakamabutihan naman sina Ria at Zanjoe Marudo.
Aminado si Sylvia na with arms wide open ang pagtanggap niya kay Maine bilang fiancée ni Arjo.
"Excited, sobra akong excited. Kahit naman sino na magiging part ng pamilya namin, masaya ako kasi, di ba, mamahalin ng mga anak ko yun.
"Kung sino ang mahal ng mga anak ko, yun ang mamahalin ko at iwe-welcome ko sa buhay ko yun," sabi ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Handa na ba siyang magkaapo sakaling magpamilya kaagad sina Arjo at Maine?
"Sa kanila na yun, bahala na sila. Basta nasa stage na ako na ready na ako magkaapo, yun lang," sagot ni Sylvia.
"Masuwerte" raw sa isa't isa sina Arjo at Maine, gayundin sina Ria at Zanjoe.
Boto siya kay Zanjoe para kay Ria?
"Oo naman. Respectful si Zanjoe, mabait. I love Zanjoe," sagot ni Sylvia.
Dagdag niya, "Basta kung saan masaya ang mga anak ko, masaya na ako.
Ria Atayde posts sweet moments with Zanjoe Marudo
Nakapanayam ng PEP.ph si Sylvia sa presscon ng Fire and Ice Productions Inc. at Nathan Studio noong December 30, 2022.
Pinasilip naman ni Sylvia kung gaano ka-welcome ang soon-to-be daughter-in-law na si Maine at ang napupusuan ni Ria na si Zanjoe.
Kagabi, January 8, 2022, ipinost ni Sylvia ang picture ng dinner ng pamilya Atayde kasama sina Maine at Zanjoe.
Caption niya, "We all live such busy lives all year, but at the end of the day. We all know, FAMILY first.
"Happy 3 Kings everyone!!!"
sylvia sanchez ON co-PRODUCING FILMS
Balik sa panayam ng PEP.ph, ibinahagi ni Sylvia ang tungkol sa Nathan Studio, ang production company niya na may collab sa Fire and Ice production company nina Ice Seguerra at Liza Diño.
Magkasosyo ang dalawang kumpanya sa pagprodyus ng Becoming Ice Live In Cebu concert (February 18) at Divine Divas Live: The Ultimate Drag Experience (February 10).
Bukod sa pagpo-produce ng concerts, papasukin na rin ni Sylvia ang pagpoprodyus ng pelikula in partnership with Fire and Ice.
Plano raw niyang magkasama sila ni Diamond Star Maricel Soriano sa isang proyekto.
"Mayroon akong binabalak, nag-usap na kami ni Maricel Soriano. Nag-usap na kami na magsasama kaming dalawa. Posibleng mangyari, sana, sana, sana. Sana 2023.
"Nung maliit pa ako, si Maricel talaga, excited ako na makasama siya. Ewan ko, di ko pa alam, basta gusto ko siyang makasama.
"Yung iba naman sa aming dalawa, yung hindi naman na laging nakikita sa amin."
Mayroon ding pelikula na kasama naman ni Sylvia si Ice.
"Nag-usap na rin kami ni Ice, gagawa kami ng movie together, kaming dalawa, about LGBT film. Isa yan sa naka-line up."
sylvia sanchez ON venturing into TALENT MANAGEMENT
Pahayag ng award-winning actress, "Siyempre, may difference, no, kasi bilang artista nasa harap ako ng kamera, ngayon off cam ako.
"Mas ginaganahan ako ngayon kasi mas nakikita ko ang dami-daming magagaling na aktor na puwede mong i-build up, na puwede mong bigyan ng chance.
"Ang gagaling nila, natutuwa ako, marami pa tayong actors na di nabibigyan ng chance na dapat bigyan ng break.
"Nakakatuwa, na-excite ako yung platforms ang dami na, ang dami ka nang paglalabasan. Puwede mong ipalabas dito sa Pinas, puwede mong ipalabas mo muna sa abroad saka mo dito dalhin. Depende sa ipo-produce mo.
"Masaya ako, ibang-iba kasi kung fulfillment ang pag-uusapan, fulfilled ako dahil gusto kong tumulong sa mga tao na kulang ng tulong. Mga tao na di natutulungan, na kulang ng oportunidad.
"Naniniwala kasi ako na maraming magagaling umarte na di lang talaga napapansin. Yung reason kasi, di sila bankable. Pag sila kasi yung support, sila yung ibi-build up or sila ang ibebenta mo, di kumikita.
"Ang tanong ko naman, bakit di kikita? Bakit mo sasabihing di bankable? E, di i-build up mo. I-try mo, subukan mo, bigyan mo ng chance.
"Malay mo. Lahat naman ng kumita, lahat naman ng big stars, binuild up yun, di ba?
"Ngayon, kung binuild up mo at ilang beses mo nang binuild up at wala talaga, then that's the right time for you to think. Pero hangga't di mo bini-build up ang isang tao, wala kang karapatan na sabihin na di siya bankable."
Sa kaso ni Sylvia, masaya siya sa takbo ng kanyang showbiz career, at sinisikap niyang manatiling nakatapak ang paa sa lupa.
"Oo naman, walang rason para magbago, dapat mas bininigyan ka ng biyaya, mas bine-bless ka, dapag maging mas mapagkumbaba ka, yung ganun.
"Hindi ako perpektong tao, marami rin akong kasalanan, may mga pagkakamali din ako sa buhay.
"Pero ang importante, tumitingala ka sa Diyos, humihingi ka ng kapatawaran. Ganun lang yun," saad ng aktres.
MORE HOT STORIES ON PEP.ph
