Sunud-sunod ang posts ni Joey de Leon, 76, para batiin ang anak niyang si Keempee de Leon sa ika-50 kaarawan nito.
Ipinagdiwang ni Keempee ang kanyang golden birthday kahapon, January 8, 2023.
Pero ang agaw-pansin ang post ni Joey ng birthday greeting sa ngalan ng Eat Bulaga family.
“HAPPY BIRTHDAY @kimpster888 from your DABARKADS!” caption ni Joey, kalakip ang throwback photo ng Eat Bulaga hosts na kabilang pa si Keempee.

Noong 2019, sinabi ni Keempee sa interview sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na may tampo siya sa longest-running noontime show sa bansa dahil sa pagkakatanggal sa kanya.
Read: Keempee de Leon opens up about tampo with Eat Bulaga!
Si Keempee ay naging host ng Eat Bulaga! for 14 years.
Lumipat si Keempee sa ABS-CBN noong 2018.
Samantala, sa PEP exclusive interview niya noon lamang November 2022, sinabi ni Keempee na naka-move on na siya mula sa tampo niya sa Eat Bulaga.
Gayunpaman, inamin ni Keempee na wala na siyang komunikasyon sa Eat Bulaga! hosts.
Read: Keempee de Leon moves on from tampo with Eat Bulaga; reveals he has no communication with Dabarkads
JOEY’S OTHER GREETINGS FOR KEEMPEE
Samantala, ang isa pang birthday greeting post sa IG ni Joey ay ang larawan nilang mag-ama kasama ang tatlo pang anak ng batikang TV host-comedian sa asawa nitong si Eileen Macapagal—sina Jocas, Jako, at Jio.
“Happy Birthday today to my Elvis Presley, JOSEPH JOACHIM!
“From your pride—-Jacinda Myrtle, Jocas Eightria, Jako Raphaelle, Jio Sebastiean and the rest of Starzan’s neighborhood!
“Keep on roaring! @kimpster888”

Joseph Joachim ang totoong pangalan ni Keempee. Anak siya ni Joey sa veteran actress na si Daria Ramirez.
Ang isa pang post ni Joey ay ang larawan nilang mag-ama kasama si Alden Richards, na isa ring Eat Bulaga! host at January 2 ang birthday.
Caption ni Joey rito: “I AM MEMORICH. Here with two of my January-born KINGS—-King Richard DE LEON-HEARTED and @kimpster888 , ka-birthday today of The King of Rock & Roll! Long live the Kings!”
Ang kaarawan ng legendary international music icon na si Elvis Presley ay January 8 din.
Wala namang mapapansin na reply si Keempee sa mga post para sa kanya ni Joey.

