PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Edgar Allan Guzman open to live-in relationship with Shaira Diaz?

EA Guzman gives himself a timeline for wedding date with Shaira Diaz.
by Melba R. Llanera
Published Jan 10, 2023
Edgar Allan Guzman and Shaira Diaz
Edgar Allan Guzman on staying committed to Shaira Diaz: "Ako, lagi kong iniisip si Shaira, ayoko siyang saktan. Laging ganun, 'si Shaira, si Shaira,' pag alam ko na may temptasyon, may paparating. Kumbaga, di na ako pumupunta dun, umiiwas na ako. Trabaho na lang kasi mas masarap magtrabaho kapag wala kang ginagawang kasalanan."
PHOTO/S: @niceprintphoto / @ea_guzman Instagram

Sa magsasampung taong relasyon nina Edgar Allan Guzman, 33, at Shaira Diaz, 27, inaasahan ng karamihan na mauuwi na ito sa kasalan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin ang Kapuso actor kung may plano na ba silang magpakasal ng nobya.

Nagbigay ng timeline si Edgar Allan na kilala rin bilang EA.

Pahayag niya: "Wala pa, sasabihin ko naman sa inyo yun if ever man na mayroon, di ko naman itatago.

"Siguro three to five years pa. May gusto pa kaming patunayan sa isa't isa. Ako rin nakabili ako ng bahay...

"Pero mas gusto ko na habang mainit sa trabaho, habang maraming blessings, strike while the iron is hot. Ayoko kasing bitawan, saka mahal ko ang trabaho ko, ayokong mawala ito sa akin."

Pareho raw nilang pinahahalagahan ni Shaira ang kani-kanilang career.

Paliwanag pa ni EA: "Yung career ko talaga namang pinaghirapan ko ng sixteen years, ayokong mawala lang nang basta-basta dahil nagpakasal lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko, bago ako mag-settle down, maayos. Maayos ang career ko, may babalikan ako, yung ganun.

"Di ba, kasi pag magpapakasal ka, iniisip ng iba, 'Ay, end na ng career niya.'

"Gusto ko pag nag-settle down ako, may babalikan ako. Heto ang mahal ko, masaya ako sa ginagawa ko."

Siniguro naman ni EA na "going strong" sila ni Shaira. .

Dagdag niya, "Magte-ten years na kami sa February and ganun pa rin, suportahan pa rin kami sa isa't isa. Nagmamahalan pa rin."

Dahil nakapagpatayo na ng sariling bahay, naisip ba niyang mag-live-in sila ni Shaira?

May iba kasing naniniwala na mas nakikilala nila ang kapareha pag nagsama sa isang bubong kahit wala pang basbas ng kasal.

Sabi ni EA: "Nung past relationship ko before Shaira, galing ako dun, e. Ayoko na pumunta uli dun.

"Ngayon, wala, nakabili na ako ng sarili kong bahay, and siya sa family din niya.

"Pag wala siyang ginagawa dumadalaw siya sa bahay. Ganun lang."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Edgar Allan Guzman, three years pinag-ipunan ang bahay para sa ina

edgar allan guzman ON AVOIDING TEMPTATION

Sa dami ng showbiz couples na nauuwi sa hiwalayan, ibinahagi ni EA kung ano ang sikreto para sa isang masaya at pangmatagalang relasyon.

"Dapat may love, may trust ka, communication, and loyalty," aniya.

"Yun talaga ang secret sa isang matibay na relasyon. Dapat din marunong ka rin sa sarili mo na umiwas, marunong kang kumontrol.

"Ako, lagi kong iniisip si Shaira, ayoko siyang saktan. Laging ganun, 'si Shaira, si Shaira,' pag alam ko na may temptasyon, may paparating.

"Kumbaga, hindi na ako pumupunta dun, umiiwas na ako. Trabaho na lang kasi mas masarap magtrabaho kapag wala kang ginagawang kasalanan.

"Masarap magtrabaho pag alam mo sa sarili mo na loyal ka, nagtatrabaho ka lang, di mo bininigyan ng malisya."

Pagmamalaki rin ng Kapuso actor, wala nang lugar ang selos sa relasyon nila ni Shaira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, suportahan talaga kami. Pag trabaho, trabaho. Dati mayroong selosan, ngayon wala na. Para kaming mag-best friend naman, wala na yung selos-selos.

"Kumbaga, we trust each other."

WHAT KEEPS Edgar allan guzman BUSY

Sa ngayon ay parte si EA ng Kapuso series na Nakarehas Na Puso ng GMA-7. May pinaghahandaan din siyang single para sa kanyang music career.

"It's about love, pero gusto kong gawing modern. Kung ano yung nauuso ngayon, di siya love song pero about love siya

"Ako rin ang kakanta. Hindi naman singer na singer pero puwede na, kaya namang kumanta.

"Though nakapaglabas naman ako ng ibang singles before, pero this time, ako ang susulat," pagbabahagi niya.

Bakit niya naisip mag-compose ng kanta?

Tugon ni EA, "Para may iba. Para ngayong 2023 may mai-offer ako na bago sa mga sumusuporta sa akin. Iyang bago na single na ako mismo ang sumulat."

Ngayong 2023, maraming nilu-look forward si EA pagdating sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"More projects siyempre, more blessings, and more movie projects kasi dun tayo nakakakuha ng recognition.

"Hopefully, sana magkaroon tayo ng mas maraming endorsements this year, this 2023 and mas magandang teleserye," sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edgar Allan Guzman on staying committed to Shaira Diaz: "Ako, lagi kong iniisip si Shaira, ayoko siyang saktan. Laging ganun, 'si Shaira, si Shaira,' pag alam ko na may temptasyon, may paparating. Kumbaga, di na ako pumupunta dun, umiiwas na ako. Trabaho na lang kasi mas masarap magtrabaho kapag wala kang ginagawang kasalanan."
PHOTO/S: @niceprintphoto / @ea_guzman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results