PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

RK Bagatsing and Jane Oineza: There's no excuse for cheating

RK on Jane: "I'm always afraid of losing her."
by Rachelle Siazon
Published Jan 10, 2023
RK Bagatsing and Jane Oineza
RK Bagatsing's stand on cheating: "Di mo puwede ma-justify ang cheating kahit ano pa pinagdadaanan mo. Kung meron kayo problema sa isa't isa, pag-usapan niyo na don't drag someone sa relationship na nandun pa rin at pinapaasa or sinasaktan mo lang siya." He and Jane Oineza both agree that they are not into "open relationship."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Walang excuse para kina RK Bagatsing, 34, at Jane Oineza, 26, ang cheating o panloloko sa isang relasyon.

Pareho raw silang faithful sa isa't isa sa loob ng higit isang taon nilang pagiging magkasintahan.

"Cheating is never good. If you hurt someone, siyempre di ok yun," mariing pahayag ni RK.

Pagsang-ayon ni Jane, "If you're not happy together, huwag niyo hayaan na umabot pa sa maghahanap ka ng iba. Just talk about it."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng isa pang reporter sina Jane at RK sa presscon ng StarMagicXMavX noong January 13, 2023.

Nag-collab ang Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN, at MavX, isang independent film company, para sa pagprodyus ng pelikulang Swing tampok sina RK at Jane.

Tinalakay sa pelikula ang konsepto ng swinging o palitan ng partners para sa couples na bukas sa pagkakaroon ng open relationship dahil sa pagnanais ng kakaibang "thrill" o "adventure" sa romansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tunay na buhay, pro-monogamy ang magkasintahan.

Sabi pa ni RK, "Kahit ano mangyari, di mo puwede ma-justify ang cheating kahit ano pa pinagdadaanan mo.

"So sana, kung meron kayo problema sa isa't isa, pag-usapan niyo na. Don't drag someone sa relationship na nandun pa rin at pinapaasa or sinasaktan mo lang siya."

HOW RK bagatsing AND JANE oineza PROTECT THEIR RELATIONSHIP

Ayon pa kay RK, hindi niya hinahayaan ang sariling makampante bilang nobyo ni Jane.

"I'm always insecure, I'm never sure," pag-amin niya.

Napangiting hirit ni Jane, "I'm sure of you."

Paglilinaw ni RK, "It's me... Siyempre we invested so much time and love for each other."

Sabay paliwanag ng binata, "I'm always afraid of losing her. You'll never be sure.

"I'm someone na always gives my best kasi nga insecure ako. Gets mo?

"Ayoko ng regrets so I'll always give my best coz I'm an insecure person."

Sabi naman ni Jane kay RK, "But you also make me feel secure. You always remind me every day, how you make me feel, how you're genuine with me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON DEALING WITH MISUNDERSTANDINGS

Inamin din ng magkasintahan na may pagkakataong nag-aaway sila.

Ani Jane, "Oo naman, di nawawala yun as a couple. Yung pagme-make up after a fight, yun yung kaya kayo nagro-grow."

Sang-ayon ni RK, "Mas na-realize mo pa na buti nagkabati kayo sa fight na yun. Pero nag-aaway kami, siyempre naman di nawawala yun."

Ang mahalaga ay open daw sila sa isa't isa.

Paliwanag ni Jane, "Kaya namin sinasabi na very important yung communication. After a fight, ano nangyari sa side mo, ano nangyari sa side ko. You try to figure it out."

Hindi raw talaga maiiwasan ang di pagkakaunawaan dahil magkaiba ng perspective ang bawat isa.

"Magkaiba kayong tao, e," punto ni RK.

Dagdag ni Jane, "So it's important to talk about it together."

Natututo naman daw sila sa pinagdadaanan nila.

Sabi ni RK, "Siguro, pinakamaganda sa atin, we're learning new ways to deal with those fights natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mas nagkakaroon pa ng bagong tool to deal with mga away as we go along."

MORE HOT STORIES ON PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
RK Bagatsing's stand on cheating: "Di mo puwede ma-justify ang cheating kahit ano pa pinagdadaanan mo. Kung meron kayo problema sa isa't isa, pag-usapan niyo na don't drag someone sa relationship na nandun pa rin at pinapaasa or sinasaktan mo lang siya." He and Jane Oineza both agree that they are not into "open relationship."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results