PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Ansay Struggles with Lines<|im_end|>"

"Sobrang nagulat ako kasi gaganap ako na mayaman. Paano ko ito gagawin?"
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2023
Allen Ansay and Sofia Pablo
Sofia Pablo on Allen Ansay: "Ang na-discover ko kay Allen, kaya pala niyang maging magaling sa English. Kasi before, nung nakilala ko siya, very probinsyano. Parang nahihiya siyang mag-English so medyo kinakausap ko siya ng English kapag offcam."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi mortal na kasalanan kung hindi magaling sa English language ang mga Pilipino, at hindi ito naging hadlang para mabigyan ng break ang showbiz newbie na si Allen Ansay.

Bibida si Allen bilang Nero Sebastian Ferell, isang campus heartthrob, sa bagong GMA-7 prime-time series na Luv Is: Caught in His Arms.

Love interest ni Allen si Sofia Pablo, o Sofie kung tawagin ni Allen. Pareho silang bahagi ng roster of stars ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Sina Allen at Sofia ay kilalang love team na may uniname na AlFia.

Sa presscon ng Luv Is, walang pretensiyong inamin ni Allen na hindi siya magaling sa English language, kaya lubos ang pasasalamat niya sa GMA management na naniwalang kaya niyang gampanan ang bagong lead role.

Ginanap ang presscon sa Studio 7 ng GMA Network ngayong Miyerkules, January 11, 2023.

"Nagpapasalamat ako sa GMA Network at sa Sparkle sa ibinigay na tiwala sa amin," bungad ni Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ibinigay ko yung 100 percent ko kasi si Nero Sebastian Ferell napakalayo sa totoong Allen, magsalita, gumalaw, mayaman...

"Sa mga nakakaalam po, before sa mga ginagampanan namin si Sofie, talagang siya yung mayaman, ako lang yung mahirap.

"Sobrang nagulat ako kasi gaganap ako na mayaman. Paano ko ito gagawin?"

Kuwento ni Allen, ginabayan siya ng direktor na si Barry Gonzales para swabe ang kanyang Ingles.

"Nagpapasalamat ako kay Direk Barry, sa lahat ng mga nagtiwala sa akin, as in word for word, hindi ako magaling mag-Ingles.

"Gusto ko nung gumawa kami ng mga eksena, kapag pinakinggan yung salita ni Nero, sasabihin nila, 'Ah, magaling itong magsalita. Magaling itong mag-English.'

"Kaya ngayon po, nagpapasalamat ako. Masayang-masaya ako dahil ginawa ko si Nero," ang nagpakatotoong pahayag ni Allen.

Allen Ansay and Sofia Pablo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOFIA AS ALLEN'S INSTANT "COACH"

Pinatotohanan ni Sofia ang aniya'y pagpupursige ni Allen para magampanan nito nang maayos ang karakter ni Nero.

Kuwento ni Sofia: "Ang na-discover ko kay Allen, kaya pala niyang maging magaling sa English. Kasi before, nung nakilala ko siya, very probinsyano.

"Parang nahihiya siyang mag-English so medyo kinakausap ko siya ng English kapag offcam.

"Tapos, sasabihin niya, 'Anong ibig sabihin nun?' So, nung ibinigay yung Nero role, medyo kinabahan din naman ako kasi, 'Paano si Allen?'"

Hindi raw nahiya si Allen na magpaturo para mapabuti ang role.

"Natuwa ako kasi nung nagpa-practice kami ng script, talagang word by word. Nakikita ko yung history niya sa Safari saka YouTube, puro pronunciation ng words [yung sine-search niya].

"And every time bago kami mag-tape, 'Sofie, tama ba yung pronunciation ko?' So, natuwa ako kasi ngayon, mas nakakapag-English na siya."

THE CHALLENGE FOR ALLEN ansay and sofia pablo

Aminado naman ang young actress na pareho sila ni Allen na may nararamdamang pressure ngayong nalalapit na ang pag-ere ng serye.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Luv Is: Caught In His Arms ay nasa second slot ng GMA Telebabad, ang prime-time block ng GMA Network.

"I am really thankful na pinagkatiwalaan na kami ni Allen for prime-time series.

"May pressure talaga kasi the timeslot, from Start-Up ni Miss Bea Alonzo and si Kuya Alden Richards; now Mano Po, sina Miss Aiko, Miss Beauty; and now, kami naman ni Allen.

"Ang saya-saya po namin, pero may halong pressure kasi, 'Makakapagpakilig na ba tayo ng ganoong karaming tao, kung paano nakapagpakilig ang Miss Bea and Kuya Alden?'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo on Allen Ansay: "Ang na-discover ko kay Allen, kaya pala niyang maging magaling sa English. Kasi before, nung nakilala ko siya, very probinsyano. Parang nahihiya siyang mag-English so medyo kinakausap ko siya ng English kapag offcam."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results