May mga tao talagang walang magawa sa buhay kaya pati inosenteng sanggol ay pinagdidiskitahan.
Hindi nakaligtas ang two-week-old baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabella Rose Tawile Manzano sa pamba-bash ng isang netizen.
Sa post ni Luis sa Facebook nitong nakaraang Linggo, January 8, 2023, ibinida niya ang kanyang “Daddy duties with Peanut."
Makikita sa larawan na karga-karga ni Luis ang anak, ngunit natatakpan ng rose emoji ang mukha ni Isabella Rose kaya hindi makita ang hitsura nito.
Sa comments section, isang basher ang sumita sa pagtakip ng TV host-actor sa mukha ng kanilang anak ni Jessy.
Reklamo ng basher, bakit kailangan takpan ang mukha ng sanggol. "Pisot" daw ba ang kanilang anak?
Ang "pisot" ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay "hindi tuli," ngunit ginagamit din ito bilang pang-insulto sa hitsura ng isang tao.
Buong komento ng basher: “Bakit dimo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba yan? Dami nyo arte [laughing emojis] by the way congrats na lang sainyo Lucky Manzano"
Ang post na ito ni Luis ay mayroon nang 150K reactions, 3.9K comments, at 178 shares at press time, pero tanging komento lang ng basher na ito ang kanyang sinagot.
Buwelta niya: “kayo nga po pinagisa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialaman [laughing emoji]”

Burado na ito ngayon sa thread ng post ni Luis.
Isinilang ni Jessy ang unang supling nila ni Luis noong December 29, 2022.
Pero nitong January 7, 2023 lamang nila ipinaalam sa publiko na sila ay ganap nang mga magulang.
Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose
