"Sana All"
Ito ang karamihang reaksiyon ng mga Filipino K-drama at K-pop fans ng South Korean heartthrob na si Cha Eun Woo.
Ito'y matapos niyang mapansin at pasalamatan ang Kapuso actress na si Kim Domingo.
Si Cha Eun Woo ay miyembro ng K-pop boy group na ASTRO.
Kilala rin siya bilang aktor. Ilan sa mga K-drama series na pinagbidahan niya ay My ID is Gangnam Beauty, Rookie Historian Goo Hae Ryung, at True Beauty.
Nitong Miyerkules, January 11, 2023, nag-post si Cha Eun Woo sa Twitter account ng ASTRO para i-flex at pasalamatan si Kim sa ipinadala nitong coffee and food truck sa kanyang drama set film.
Kasalukuyan kasing nagte-taping si Cha Eun Woo para sa kanyang bagong series na A Good Day To Be a Dog.
Makikita pa sa tweet ng South Korea idol/actor na maliban sa food truck na ipinadala ng Kapuso actress ay may kalakip din itong mensahe sa kanyang ultimate idol.
Mensahe ni Kim kay Cha Eun Woo: "Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher Seowon! Chaiting!! - from Philippines, Kim Domingo."
Na-appreciate at nagustuhan naman ito ni Cha Eun Woo, kung kaya't agad-agad din siyang nagpasalamat sa Pinay actress.
Mababasa sa caption ni Cha Eun Woo (published as is): “I ate the delicious coffee, tea, and so-tteok so-tteok, and croffle really well.
"Thank you so much."
NETIZENS REACT
Sa comments section ng Twitter post ni Cha Eun Woo ay bumuhos ang "sana all" at paghanga ng iba pang fans kay Kim sa pagsuporta nito sa kanilang Korean idol.
Komento ng isang netizen (published as is), "Bongga naman ni mareng Kim. Highest level fangirling. Mala Jinkee Paquiao nagsesend ng food truck kay Ji Chang Wook."
Hirit pa ng isa "Sanaol Kim Domingo pinagpala ng lahat."
Nagawa pang magbiro ng ilang fan na ayon sa kanila ay hindi nila kayang tapatan ang ginawa ni Kim.
Narito ang ilang nakakatawang komento ng netizens (published as is):
"Sorry beh pero fishball at kikiam lang ang kaya kong ibigay sa'yo [sad emoji] HAHAHAHA eme. Thanks mima kim."
"Nakapila kami Kim umayos ka [laugh emoji]. Kariton Lang meron ako."
"Grabe ka Kim [cry emoji], wag mong tapusin ang pila."
"Hoyyyyyyy..bigyan mo naman kami ng kaunting pag-asa Kim Domingo. Maganda ka na sexy at mayaman. Pwede sa amin na si cha eun woo, parang awa mo na.. Pagsubaybay lang sa mga drama ni cha eun woo ang ambag ko [laugh emoji].
"Gusto ko tuloy ibigay titulo ng bahay namin [cry emoji]."
KIM FANGIRLS OVER CHA EUN WOO
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita ni Kim ang kanyang suporta at paghanga kay Cha Eun Woo.
Sa ginanap na fan meet ni Cha Eun Woo sa Pilipinas noong August 2022, isa si Kim sa mga mapalad na nakita face-to-face ang Korean idol.
Nabahiran pa ito ng kontrobersiya nang pagbintangan siyang sumingit at ginamit ang pagiging artista para makabili umano ng tickets.
Agad namang nilinaw ni Kim ang isyu at sinabing katulad ng ilang fans ay nagtiis din siyang pumila para makakuha ng fan meet ticket.
Read: Kim Domingo slams Pinoy "toxic fans" who accused her of cutting line for Cha Eun-woo tickets
