Dark marks make Jennylyn Mercado think her baby is a boy

by Ruel J. Mendoza
Apr 14, 2008
"Mother na rin kasi yung nakausap kong friend. Gano'n daw kasi ang mga signs kapag boy ang magiging baby mo. Magkakaroon ka raw ng mga dark spots sa katawan. Well, para naman sa akin ay okey lang kung boy or girl ang lumabas. Ang importante ay normal siya at isang happy baby siya," relates Jennylyn Mercado about her baby.


Kahit na nasa ika-fifth month ng kanyang pagbubuntis si Jennylyn Mercado, mapapansin mo na ang tiyan lang niya ang lumalaki pero hindi halata sa kanyang mukha at sa ibang parte ng katawan niya.

Sabi nga ni Jennylyn, hindi siya masyadong palakain unlike noong first trimester niya ng pagbubuntis na marami siyang gustong kainin. Pero hindi pa rin daw siya masyadong nag-gain ng weight. Nadadagdagan lang ang timbang dahil lumalaki na ang tiyan niya.

"Marami nga ang nagugulat kapag nakikita nila ako," ngiti ni Jen. "Para raw hindi ako buntis. Hindi naman daw kasi lumaki ang mukha ko at pati mga braso at legs ko ay hindi tumaba. Yung tiyan ko lang daw talaga ang lumaki. Kung maitatago ko lang daw ang tiyan ko, hindi ako mukhang buntis talaga.

"I'm thankful kasi kahit hindi nagge-gain ng weight ang katawan ko, healthy naman ang baby na dinadala ko. Kakapa-check-up ko lang recently at okey naman ang lagay ng baby ko.

Continue reading below ↓

"Nagpa-ultrasound nga ako para malaman ko na ang gender ng baby. Pero hindi pa makita. Nakaipit daw kasi. Naka-cross yung legs ng baby ko kaya natatakpan ang sex organ niya. Para ngang ayaw pa niyang ipaalam sa akin kung girl ba siya or boy. Sa ika-sixth month ko, magpapa-ultrasound ulit ako. Siguro naman by then, ipapakita na niya," masayang kuwento ni Jen.

Dahil nga sa maaliwalas at palangiti si Jen ngayon, may mga humuhula na girl ang magiging anak niya. Pero nang maikuwento niya sa isang kaibigan na nagkakaroon ng dark spots sa kanyang underarms at biglang nagkaroon ng mga dark lines sa kanyang leeg, baka raw boy ang maging baby niya.

"Mother na rin kasi yung nakausap kong friend. Gano'n daw kasi ang mga signs kapag boy ang magiging baby mo. Magkakaroon ka raw ng mga dark spots sa katawan. Well, para naman sa akin ay okey lang kung boy or girl ang lumabas. Ang importante ay normal siya at isang happy baby siya."

Continue reading below ↓

PATRICK CALLS. Tinanong namin si Jennylyn kung nagkausap na ba sila lately ng ama ng kanyang dinadalang baby na si Patrick Garcia? Nagkakausap na raw uli sila sa telepono pero never pa raw niya itong nakikita ulit.

"Tumatawag siya paminsan-minsan. Nangungumusta lang naman siya. Sinasabi ko naman na okey ako. Pero hindi ko pa nakikita si Patrick ulit. Matagal ko na siyang ‘di nakikita. Magtu-two months na yata.

"Nalaman ko naman from him na busy na siya ulit. Kasama siya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, ‘di ba? Good for him, kasi he's working again. Ako naman kahit buntis, may mga raket pa rin ako. Nagpapasalamat nga ako kay Lord kasi hindi Niya talaga kami pinapabayaan.

"Sunud-sunod minsan ang mga shows na ginagawa ko out-of-town. Parati naman ako nag-iingat. Kapag masyado na akong napapagod, may mga tinatanggihan na kaming raket din. Mahirap na at baka mapaano ba ang baby ko."

Continue reading below ↓

STILL BUSY AT FIVE. Huling napanood sa GMA Sine Novela na Kaputol ng Isang Awit si Jennylyn. Pero nagkakasunud-sunod na rin ang mga guestings niya sa iba't ibang programs ng GMA-7. Just recently ay lumabas siya sa SOP at Showbiz Central.

"Special guest lang naman ako talaga sa Kaputol ng Isang Awit. Ayaw rin nila akong mahirapan sa kalagayan ko. Hindi ako puwedeng magpuyat or abutin ng madaling-araw sa trabaho.

"Naiintindihan ko naman kung walang mabigay na regular show for me sa ngayon kasi nga buntis ako. Concern lang sila sa kalagayan ko. But I appreciate yung pagbibigay nila ng guestings sa akin sa iba't ibang shows. It means na hindi ako pinababayaan ng GMA-7."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mother na rin kasi yung nakausap kong friend. Gano'n daw kasi ang mga signs kapag boy ang magiging baby mo. Magkakaroon ka raw ng mga dark spots sa katawan. Well, para naman sa akin ay okey lang kung boy or girl ang lumabas. Ang importante ay normal siya at isang happy baby siya," relates Jennylyn Mercado about her baby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results