Hindi maikakailang marami nang pinagdaanang isyu si Donnalyn Bartolome sa social media.
Ngunit para sa 28-year-old content creator, marami na itong natutunan lalo na sa tuwing may ibinabatong puna, kritisismo, o pamba-bash sa kanya.
Bago pa man makatanggap si Donnalyn ng backlash sa kanyang "back to work" post kamakailan lang, nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano hina-handle ang kanyang mga bashers o ang mga kritisismo natatanggap.
Read related story: Donnalyn Bartolome defends herself after viral "back to work" statement; apologizes for wrong choice of words
Para kay Donnalyn, magkaiba ang kritiko at bashers.
"Kasi merong critics, may bashers. With the critics, when they respectfully, I don’t know, correct me...I’m human."
Patuloy nito, "I am sure and I think na yung opinion ng mga tao, valid.
"So as long as it’s not disrespectful to me ,and it’s just out of care, I’m okay with them, really.
"It’s kind of like free consultation, alam mo yun, how to... just be better.
"Pero pag bashing, yung parang may masabi lang and all, it’s...hindi nagma-matter to me, really."
Hindi na rin daw nagpapaapekto ngayon si Donnalyn sa mga negatibong komentong nakukuha nito sa kaniyang mga bashers.
Aniya, "Sobrang compared to before, I think, I’m a lot stronger now.
"And alam ko na lalo pag hindi totoo, parang tatawanan mo na lang talaga, na parang, ‘Okay?’"
"Kapag meron kasi, I really just shake it off. Hindi siya katulad before talaga. It’s so different."
Nakapanayam ng PEP.ph si Donnalyn sa TikTok Philippines Creators' Night noong December 18, 2022, sa Whitespace Events Place, Makati City.
Read related story: Joshua Garcia among TikTok PH's Breakthrough Stars of 2022
SHOWBIZ PLANS FOR 2023
Samantala, tinanong na rin ng PEP.ph si Donnalyn kung may balak na ba itong tumanggap ng TV or movie projects ngayong 2023, matapos ang dalawang taong pamamahinga nito sa showbiz.
Kasalukuyang contract artist ng Viva Artist Agency si Donnalyn at aniya mas open na siya kung sakaling may offer na dumating.
Sabi nito, "I’m actually being asked for ano na, for two years na. But I took a break ‘cause I want to focus on my social media."
At press time, isa si Donnalyn sa mga may pinakaraming bilang ng followers: 16 million sa Facebook, 6.9 million sa Instagram, 8.1 million naman sa TikTok, at 9.58 million subscribers sa YouTube.
Pero open naman ang vlogger na gumawa projects outside her platforms.
Aniya, "I’m not closing my doors. But maybe, maybe I’ll be doing something. Maybe movies or back on TV.
"Kasi even guestings, I’m really dodging… because 2022 and 2021 were a lot for me to handle so I took a break."
Panigurado naman ni Donnalyn sa kanyang fans na patuloy pa rin siyang gagawa ng kanta.
"Definitely, music talaga. That’s never going to change. I’m going to keep creating music until I’m old."
Ang huling kantang ni-release ni Donnalyn na pinamagatang "Shawty" ay mayroon nang 5.6 million views sa YouTube.
READ MORE:
