Mariing itinanggi ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Fumiya Sankai ang alegasyong gay siya.
Nag-ugat ang haka-haka sa sekswalidad ni Fumiya matapos nitong i-upload sa TikTok ang video niyang sumasayaw kasama ang isang non-showbiz guy, na ayon sa netizens ay boyfriend niya.
Sa video, mapapanood si Fumiya na todo-sayaw sa saliw na TikTok dance craze na "Last Christmas" ng Wham, habang nasa likod naman niya ang isa pang lalaki.
Pinusuan at ni-like ito ng maraming TikTok users ngunit hindi ito nakatakas sa mata ng mapanuring netizens.
Sa comments section ng TikTok post ni Fumiya noong January 9, 2023, maraming netizens ang naintriga at nagtanong kung boyfriend ba niya ang lalaking kasama sa video.
Tanong ng netizen, "Is that your boyfriend?"
Komento pa ng isa pa, "Finally nireveal mo na jowa mo."
Sabi ng isa, "Congrats Fumiya with your boyfriend."
Hirit pa ng isa, "Bagay kayo [heart emoji] I'm so proud Fumiya, stay in love."
https://www.tiktok.com/@fumiyanotiktok/video/7185494670384925953?_r=1&_t=8Yz9kcEA34j
Mabilis ding nag-viral ang nasabing video hanggang sa makarating kay Fumiya ang tungkol sa pagkuwestiyon sa kanyang totoong sekswalidad.
Sa isang hiwalay na video noong January 10, 2023, nilinaw niya ang alegasyong ipinupukol sa kanya.
Ayon sa ex-PBB housemate, maging siya ay nagulat sa biglaang pag-viral ng kanyang video.
Sabi niya, "Akala ko my dance is very nice that’s why it’s trending."
Diin ni Fumiya: “I respect LGBT. Very respect. Pero I’m very, very straight.
"We are really straight.”
https://www.tiktok.com/@fumiyanotiktok/video/7186571494078631170?_r=1&_t=8Yz9mdfzzJh
Sa huli ay nagpasalamat si Fumiya sa mga nag-repost, nag-like, at react sa kanyang TikTok video na ngayon ay mayroon nang 5.1 million views.
