Inilahad ni Maine Mendoza ang masamang karanasan niya sa ilang kababayan sa isang retail store sa Singapore.
Ito na raw kasi ang maituturing niyang “worst experience/interaction” sa ngayon pagdating sa mga Pilipino abroad.
Bukod daw kasi sa “feeling entitled” ang mga kababayang ito sa Singapore, tinawag pa raw siyang “supladita.”
Lantaran din daw ipinagkalat ng isang kababayan sa mga nasa loob ng retail store na suplada ang Eat Bulaga host.
THE INCIDENT IN SINGAPORE
Nitong January 13, 2023, ibinahagi sa Twitter ng isang fan ni Maine ang Facebook post ng isang Pinay sales associate (SA) sa isang personal care retail store sa Singapore.
Sa caption ng fan, sinabi nitong nasa Singapore si Maine ngayon.
Pinuna ng fan ang kababayang SA na nagpa-picture kay Maine, na nagsabing disappointed daw ito sa host dahil suplada.
Gayunpaman, hirit ng fan, nagawa pa rin ng SA na i-post ang kanyang picture kasama si Maine.
Sa ni-repost na FB post ng fan, makikita ang preview ng picture ni Maine kasama ang SA na tumawag kay Maine ng “suplada sa personal.”
Hindi na available ang FB post kapag iki-click. Halatang tinanggal na ito.

MAINE DEFENDS SELF FROM SUPLADA ACCUSATION
Nag-react naman si Maine ukol sa insidente.
Sagot ni Maine sa fans: “Oh if you only know how disrespectful and entitled those ladies were, especially the sales associate, ay maloloka ka nalang talaga.
“By far the worst experience/interaction with kababayans abroad. Bastos.”
Sinagot din ni Maine ang akusasyong suplada raw ito.

Tweet niya, “If I came off as ‘supladita’ (as ate sales associate in Bath and Body Works Ngee Ann Mall have said to every Filipino inside the store, even to my friend) e dasurv nga naman, sana tinarayan ko na nga talaga.
“Bastos si SA and that group of girls. Bastos at makakapal ang mukha.”

Nagpahayag ng suporta ang fans ni Maine ukol sa karanasan niya.
Nabanggit din ng ilan na nag-delete ng post ang SA.
